Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter 40: Bulaklak at Sobre



Someone's POV

"Emilio, don't be so nervous", sabi ko habang minamasahe ang kanyang balikat.

He's sitting on his swivel chair while his arms rested on the table.

Kanina niya pa tinitigan ang mga papeles na nasa kanyang harapan. Iyon ang papeles na dinala ni Atty. Tecson. Siya ang nag aasikaso ng mga ito na may kinalaman sa aming negosyo kasama na ang ari-arian.

Umikot siya ng marahan saka hinawakan ang braso ko. Something is written on his face. It's mixed emotions. "Wag na nating ituloy ito, Leonora. Mabigat ang pakiramdam ko"

"Alam mo naman kung gaanong hirap ang ginawa ni Papa para sa bagay na ito. Ang hirap natin Emilio! Wag kang magpapadala sa sandali mong emosyon"

Hawak ko ang aking dibdib na mainam ang pagtaas at pagbaba. Pinapakalma ang aking sarili. Tinuon ko ang magkabilang kamay sa mesa para mapanatili ang balanse ko.

May kumatok sa pintuan bago pumasok. Dala ang tsaa na kanina ko pa hiningi.

"Pasensya na po Donya Leonora. Natagalan ako dahil hinatid ko pa kay Piper ang pagkain niya"

Hindi ko alam kung saan galing ang batang iyon kahapon. Kung hindi siya gumala sa kung saan ay hindi sana masama ang pakiramdam niya. Wag sanang totoo ang sabi-sabi ng mga amigas ko na may relasyon sila ni Cade. Ang isa sa mga hampaslupang magsasaka ng bayang ito.

May tiwala naman ako sa anak ko. I know that she have a high standard pagdating sa lalaki. Mana siya sa akin. Alam kong una niyang gagamitin ay utak. I know that she couldn't break the principle of our family. Wala ng susunod sa ginawa ng Tito Emman niya.

Hindi siya nagkulang sa pangaral at aruga ko bilang magulang niya. Kaya't alam kong hindi niya kami susuwayin ng kanyang Ama. Sa sobrang pili ng anak ko sa lalaki ay baka hindi pa nga ito mag asawa pero wag naman. Gusto kong magkaroon ng apo na kasing ganda ko.

"It's okay Evy"

Ganyak palang siya paalis ng may sinaad ako.

"Don't forget to watch her. We're leaving before lunch", she bowed before leaving.

Mahinahon ang pag inom ni Emilio sa kanyang tsaa. Inisod niya ang kanyang kinauupuan malapit sa bintanang salamin. Inayos ko naman ang kreme nitong bintana. Tinali ko iyon ng mabuti. Hindi pa man ganon kasakit ang araw kaya't nakaya pa ng mata namin na pagmasdan ang kung anong meron sa labas.

"Kailangan na nating ipaalam kay Piper kung ano ang totoo", sabi nito habang nakatalikod sa akin.

Sinimulan kong hipan ang tsaa bago ito tinikman. Buti na lamang at nilagyan niya ng honey.

"Bago siya bumalik sa Laguna. But we need more time to accomplished what we are doing"

Ngayon ay tumabi ako sa kanya saka ko pinagpatuloy ang pagmasahe sa kanya. Bumaba ang mga kamay ko sa likod niya. Bahagya naman siyang napaungol dahil dito.

"Dapat noon pa natin ito sinabi sa kanya. Nasa tamang edad na siya Leonora. Mas mabuting malaman niya ito kaysa malaman niya sa iba"

Hindi ko rin naman naisip na darating kami sa ganitong bagay. Akala ko madali lang ang lahat na sabihin sa kanya. Hindi kagaya namin ni Emilio ay bata palang minulat na kami sa kung ano ang totoong ginagawa ng aming pamilya. Ilang beses kong tinanggi kay Piper ang bagay na iyon sa tuwing nagtatanong siya. Ayokong magbago ang tingin niya pero nandito na kami. Kailangan niyang ituloy ito kundi magiging abo ang lahat.

Ayokong pulutin kung saan. Ayokong mawala ang lahat sa akin.

Kailangan niyang maintindihan na hindi lang ito para sa amin kundi para sa kanya pati sa magiging pamilya niya.

"Sana nung bata pa siya ay hindi na ko nagsinungaling Emilio", naramdaman ko ang namumuong kung ano sa lalamunan ko. Kasabay nito ang bigat ng paghinga ko.

Tumayo siya upang yakapin ako. Dumampi ng sandali ang malambot niyang labi sa akin. Nagbadya naman ang luha ko sa pagpatak.

"Shh... Ako ng magsasabi nito sa kanya. Wag ka ng mag alala. Magiging ayos din ang lahat", tuluyan ng landas  ang tubig sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilan. "Walang mawawala sa atin Leonora kahit si Piper. Alam kong maiintindihan niya tayo", pinalis niya ang luha ko gamit ang kanyang hintuturo.

Magkayakap kami ng tahimik habang pinagmamasdan ang malawak naming lupain. Binuksan niya ang ang isang maliit na pinto na nakakubli sa balkonahe ng kanyang opisina. Ang araw ay humipo sa aming balat ng tuluyan kaming lumabas.

"Ang bayan ng El Preve ay magiging atin na. Konti na lang Leonora", niyakap niya ko mula sa likod.

"Wag lang magbabago ang isip mo", hinalikan niya ko sa pisngi saka kami nagkatinginan.

"Natakot lang ako kanina. May pangitain sa panaginip ko"

Bumitaw siya sa akin.

"Hindi mo dapat iniisip yon. It's just a dream Emilio. Nasa reyalidad tayo ng buhay"

Tumahimik muli sa pagitan naming dalawa habang pinagpatuloy na pinagmamasdan ang aming lupain.

Kumunot ang noo ko ng nahagip ng paningin ko ang isang lalaki. He's wearing a white long sleeves and trousers. I didn't clearly saw his face because of his hat.

May dala-dala siyang basket ng bulaklak kasama ang sobre.

Ang lakad niya ay pamilyar. Mas lalong kumunot ang noo ko ng makita si Piper sa may garden area. Akala ko ay nasa sariling kwarto siya pero bakit nandon siya sa ibaba. May hawak siyang hose habang masayang binabasa ang mga bulaklak. Mabilis ang paglabas ko ng opisina kaya't taka si Emilio. Kahit naka roba ay nagawa kong tumakbo.

"Leonora! Magdahan-dahan ka", hindi ko pinansin ang sinabi niya. Mula sa ikalawang palagpag ay nakababa akong naghahabol ng hininga.

Nang makarating ako sa terasa ay wala na ang lalaki. Palayo siya na siyang naglakad. Pinilit ko pang mahuli ng aking mga mata kung sino siya ay hindi ko nagawa.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Donya may nagpapabibigay po sa inyo"

Mabuti na lamang at isa sa mga kasambahay namin ang napag abutan ng lalaking iyon.

Dinampot niya ang sako ng basura saka niya iyon nilabas.

Taka naman akong nakatingin sa bulaklak. Humahalimuyak ang bango ng sampaguita.

Halos mawalan ako ng balanse sa pagkakatayo ng makita ang pangalan ko. Nasa lumang papel iyon at dugo ang ginamit na pang sulat.

Kumusta Donya Leonora Roshan?

"Ma! Ayos ka lang ba?", nagbalik ako sa katinuan ng makita si Piper sa harap ko. Tinago ko ang bulaklak sa aking likod. Pilit akong ngumiti bago tumango.

"Oo naman, Anak. You should get some rest. May sakit ka pa hindi ba?", sinulyapan niya ng sandali ang hawak ko bago tuluyang sumunod sa aking sinabi.

Nang matiyak na nasa kwarto na siya ay nagmadali akong pumasok.

Si Emilio ay tahimik na nagbabasa ng dyaryo habang hawak ang kupita. Binaba niya iyon ng makita ko.

"Padala ba yan ng mga amigas mo?"

Hindi ako umimik. Binaba ko iyon sa harap niya. Hinayaan ko siyang tignan iyon pati na ang laman ng sobre. Umupo ako sa mahabang sofa habang inaalis ang kabang nararamdaman ko. "Buhay pa pala ang rebeldeng iyon!", singhal niya kasabay ng pagtapon niya ng mga larawan na galing sa sobre kasama ang iilang sulat.

"Calm yourself! Marinig ka ng anak mo!", inis kong sabi sa mahinang tono.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.