Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter 36: Matagal na hinanap



Cade's POV

"Congrats, Sir Cade. Maganda ang ginawa ng klase mo", bati sa akin ng head ng school matapos ang performance ng Grade 10-Del Pilar.

Hindi alam ng mga batang ito na sinali ko sila sa contest. Ang akala nila'y requirements lamang iyon para makapasa sila sa bilang Grade 10 completer.

Sa nalalabing mga araw ay matatapos na ang kanilang klase. Lahat sila ay sabay-sabay mag mamartsa.

"Siege! Ang galing mo!", bati ng mga ka-grupo nito sa kanya nakakababa lang galing stage. Sila ang naging kampyeon ngayong taon sa pag gawa ng maikling play. Mabuti na lamang at nagtiwala ako sa kanya.

Kitang-kita naman kung paanong paghahanda ang ginawa nila. Sa custome palang nila ay laglag ang panga ng mga manonood. Idagdag pa ang batuhan ng kanilang linya at kung paanong nilagay ng mga aktor ang sarili sa karakter nilang ginanapan.

"Sir! Pa burger ka naman!", sabi ni Ravoir. Bakas ngiting dulot ng ginawa nilang magandang performance. Hindi man sila ang naging kampyeon pero masaya pa rin sila dahil sa ginawa ng kabilang grupo. "Burger! Burger! Burger!", sabay-sabay nilang sambit.

Habang ginagawa nila iyon ay napukaw ng babaeng nakasuot ng blusang kulay luntian ang mga mata ko. Nakasuot din siya ng balabal kulay na katulad din nito kaya't takip ang kalahati ng kanyang mukha. Hindi ako maaaring magkamali. Sa tagal kong paghahanap sa kanya ay dito ko lang pala siya makikita.

Kahit may takip ang mukha nito ay alam kong siya iyon.

"Sandali lang", paalam ko sa mga estudyante ko habang nakapako ang tingin ko sa babaeng iyon.

"Sir! Saan kayo pupunta?", sabay-sabay nilang tanong. Ang ilan sa kanila ay humawak pa sa suot kong damit pero inalis ko iyon kaagad. Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong nila.

Hinawi ko ang mga taong kumukuha ng sarili nilang larawan kasama ang kanilang mga anak. Ang ilan naman ay muntik pang madapa dahil sa hindi ko sinasadyang pagtulak.

Sa isang iglap ay nawala siya sa paningin ko. Hinanap ko siya hanggang gate ng paaralan pero nabigo ako. Bumalik na lamang ako sa silid-aralan at nilibre ko ang aking mga estudyante kagaya ng napag usapan.

Tinawagan kong sandali si Piper para malaman ko kung anong nangyayari sa kanya. Ang isiping kasama niya si Arrow ay pinapatay ako ng unti-unti pero alam kong sa akin siya babagsak. Kaya nilalabanan ko itong kaba ko. Nang marinig ang boses niya sa tawag ay nawala ang pagod ko. Sandaling tawag lang iyon pero iba ang dating sa akin.

"Sir nakita kita may ka-date ka kahapon", sabi ni Siege matapos kong ibaba ang tawag.

Halos mabulunan siya dahil sa pag kain niya ng burger kaya't inabutan ko siya ng bote ng tubig na nakapatong sa teacher's table.

"Salamat Sir. Wag kayong mag alala di ako dadaldal", pagsisigurado nito.

Ginulo ko ang kanyang buhok.

"Masyado kang chismoso kalalaki mong tao", umusli ang makalokohang ngiti niya. Kahit makulit siyang bata ay isa siya sa mga gusto kong estudyante. Bukod sa siya ang nagpapasigla sa klase ay matalino rin siya. Kung hindi lang siya madalas wala sa klase.

"Kaya nga chismoso. Wala namang chismosong lalaki", umiling-iling siya bago bumalik sa sarili nitong upuan. Tinaas niya ang isa nitong paa sa upuan ng kanyang kaklase. Sinuway naman siya agad nito at natawa pa siya sa reaksyon nito. Kinahapunan ay dumiretso ako sa karinderya upang bumili ng ulam. Sinabi ko kasi kay Inay kaninang umaga na wag siyang magluto ng ulam.

Sa pila habang nag aabot ako ng bayad ay nakita ko na namang muli ang babaeng iyon. Tumayo siya ng tapos na siyang kumakain. Sumenyas siya sa isa sa mga serbidora saka inabot ang bayad.

Tinakluban niyang muli ang sariling mukha saka umalis.

Nang binigay na sa akin ang ulam ay agad akong tumakbo palabas. Hindi ko na inintay na kunin ang aking sukli. Sa wakas ay hindi pa siya nakakalayo. Tumawid siya sa kalsada kaya't ganon din ang ginawa ko. Nagpatuloy lang ako sa pagsunod hanggang sa umunti ang mga taong nakaharang sa daan.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Unti-unting bumilis ang lakad niya ng maramdaman nitong nakasunod ako. Tumakbo siya kaya't ganon din ang ginawa ko. Naabutan ko siya dahil sa maliit na batong naging sanhi para siya matapilok. Ako naman ay nagmadali siyang tinulungan.

Habol-hininga ako habang nakapatong ang parehas kong kamay sa aking mga tuhod.

"Anong kailangan mo sa akin?", unti-unti nitong tinanggal ang balabal. Abot ang kaba at saya sa dibdib ko.

Sa pagtambad sa akin ng kanyang mukha ay may pilat ang isang bahagi ng pisngi nito.

"Ako po si Cade", inilahad ko ang aking kamay pero tinignan niya lang iyon.

Umuna siyang maglakad pero sumunod pa rin ako. Ang tagal ko siyang hinanap kaya't hindi ko ito pwedeng palampasin.

"Tulungan niyo po ako. Kahit ano pong kapalit ay gagawin ko"

Pero hindi siya natinag sa sinabi ko bagkus ay naglakad siya ng mas mabilis. Pilit ko pa rin siyang sinusundan. Alam kong makukumbinsi ko siya dahil malapit siya sa aking mga magulang lalo na kay Itay. "Tapos na ang laban Cade. Hindi kita matutulungan", sinabi nito saka lumiko sa eskinita.

"Hindi pa po tapos. Alam ko pong matutulungan niyo ko", tumigil siya sa isang bahay. Bakas ang maayos niyang buhay dahil sa disenyo pa lamang ng gate nito.

"Tumuloy ka", sabi nito ng binuksan niya ang gate. Maganda ang klase ng damong tinatapakan namin. Ang mga halamang nakapaligid sa kanyang bahay ay kapansin-pansin na dinidiligan ito araw-araw. Nang nasa sala kami ay umupo ako.

"Magkape ka", pinatong niya ang mamahaling tasa sa maliit nitong mesa.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Mula sa sahig hanggang sa mga salamin ng kanyang bintana ay nangingintab ang mga iyon.

"Matagal ko na po kayong hinahanap kaya't hindi ko po papalampasin ito", kinakabahan man ay pinanatili kong kalmado ang aking boses.

Nakadekwatro siyang umupo habang sumisimsim ng kape.

"Sa katunayan po hindi lang kayo ang hinanap ko", nilunok ko ang aking laway dahil sa panunuyo ng lalamunan.

"Sumunod ka", binaba niya ang kapeng ininom. Sinunod ko ang kanyang sinabi. Malaki ang bahay niyang may maliit na hallway. May mga disenyo ang pader nito ng mga sinaunang larawan. Binuksan niya ang tila opisina ng kanyang bahay. May isang larawan na nakapukaw ng aking atensyon.

Pinagmasdan ko iyon.

"Hindi lang po hustisya ng pagkamatay ng aking Itay ang nakasalalay dito. Hustisya din ng karapatan ng iba pang tao kasama na don ang hustisya para sa pagkamatay ni Tiyo Erman" Nang tinignan ko ang mga mata niya ay namutawi ang lungkot doon. Tinitigan niyang mabuti ang larawan habang hinahaplos iyon.

Tinuring ko silang pamilya katulad ng pagturing nila sa amin kahit na hindi namin sila kadugo. Mababait sila at katunayan nga pag may sakit noon si Inay isa sila sa mga tumulong sa amin. "Tiya Flora magtulungan tayo. Maraming tao ang naghihintay ng hustisya at kasagutan sa mga bagay", niyakap niya ang larawan ng kanyang asawa. Tumulo ang mga luha nito sa salamin ng mesa. Hinagod ko ng unti-unti ang kanyang likod. Mas doble ang kalungkutan ng nadama niya noong panahon na iyon. Pagkatapos kasi ng pagkamatay ni Tiyo Erman ay nalaglag ang sanggol na dinadala niya. Mas humagulgol siya sa aking ginagawa kaya't niyakap ko siya.

"Magtiwala kayo Tiya Flora. Walang magagawa ang pagdadalamhati kung hindi tayo kikilos"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.