Chapter 16:Music
"Ang ganda mo!", manghang sinabi ni Letty dahil sa aking suot na bestida. The top of my dress is plain black while the skirt's design is floral that mixed with yellow and white.
Si Letty naman ay halos pareho ng suot ko ngunit ang sa kanya ay purong dilaw ang suot nito na may konting touch ng itim at diamonds.
Siya ang namili ng aming susuotin. Hindi naman ako umangal dahil maganda ang taste niya.
Binagay namin iyon sa tema ng party dilaw na anihan at sayawan ng mga balatkayo kung hindi ako nagkakamali. Pabor sa akin ang tema dahil hindi ako makakaattend kung hindi masquerade ang party'ng iyon.
"Paano ko kaya makikita ang babaeng para sa akin kung taklob ang mukha nito?", si Abel namaj na problemadong nakatingin sa sarili niyang repleksyon ay nakasuot ng kulay na dilaw na long sleeves with a touch of red and black. Ni-repair ko lang ang damit niya to look fashionable. Wala kasing mabiling damit si Letty para sa kanya. Binagayan niya na lang iyon ng puting slacks at topsider na sapatos. Pinag ipunan niya daw iyon para ibigay sana sa Kuya nung dati niyang nililigawan bilang suhol. Pero naging malabo daw sila. Hindi niya naman sinabi kung anong dahilan.
He's been saying it nth times. Nauumay na ko. Pagsasabihan ko na siya kung hindi lang umimik si Letty.
"Kuya ang pag ibig nararamdaman ng puso hindi ng mata", oo nga naman. Pagkakuwan ay umunang maglakad si Abel sa aming dalawa. Lumabas siya ng pintuan at tila prinsesa kaming inalalayan sa paglakad. Hindi naman siguro kami matatapilok sa flat na doll shoes na ito.
Nang makalabas na kami pareho ni Letty ay kinandado agad ni Abel ang pinto. Kahit na alas otso na ng gabi ay may nadaan pa rin na tricycle. Siguro alam nilang kailangan may masakyan ang tao dahil sa kasiyahang gaganapin malapit sa bukirin ng mga Abarquez. Sa plaza sana iyon ngunit may paligsahan doon na ginaganap kaya nagpalit ng venue.
Hoping that I'll enjoy this party lalo na't walang halong kaplastikan ang gagawin ko ngayong gabi. I wonder if there's wine or champagne. Natitigang na ang lalamunan ko sa mamahaling inumin.
Pagbaba ng tricycle ay agad kaming nagsuot ng maskara. This place was awesome. Napapalibutan iyon ng mga punong kahoy at ang tanging nagbibigay liwanag ay ang bilog na buwan saka maliliit na lamparang nakasabit sa poste. Halos matatanda ang dumalo sa kasiyahan at tiyak kong iilan lang ang mga kasing edad namin. Panay silang umiindak sa tugtog. Hindi gaanong malakas ang tugtog kaya't rinig ang simple nilang tawanan. Paano kaya namin maeenjoy ang gabing ito kung panay matanda at iilan lang ang mga kasing edad?
Piper. Chill? Ok?
Pumunta ka dito to hang out with Abel and Letty. To enjoy the life of being a probinsya. Hindi yung puro ka reklamo. Kinalma ko ang aking sarili at nagpakawala ng malalim na paghinga. "Nagugutom na ko", bulong ni Abel sa likod namin ni Letty.
"Sinabi ko kasing dapat kumain muna tayo bago umalis", mukhang magtatalo pa ang dalawa sa gabing ito.
"Then let's eat. Don't ruin the night", sabi ko sa kanila ng makitang may nakahain na buffet sa mahabang lamesa.
Meron din namang mga serbidor pero iilan lamang sila.
"Ako ang mas tama", pagmamayabang ni Abel ng makita may lechong baboy na nakahain.
Nagsimula na kaming kumain habang nakikinig sa nagsasalita sa entablado.
"Who's that guy?", tanong ko kay Letty na nasa gitna namin Abel. Tinukoy ko yung lalaking nasa unahan at nagsasalita. Tantya kong nasa 40's ang edad nito. Hindi siya ganon katangkad at malaki ang tiyan. "Si Don Mascar Abarquez yan, Mayor dito", sagot ni Letty.
Hindi ko alam kung saan ko siya nakita at maging ang pangalan niya ay pamilyar. Tinitigan ko siyang mabuti habang nagsasalita pero wala akong maalala.
Hindi naman mahaba ang sinabi niya pero sa palagay ko'y mabait siya na pulitiko. Nagpatuloy ang sayawan hanggang sa napaltan iyon ng ibang tugtog.
Magsisimula na sana kaming makiparty nila Letty sa gitna pero nawalan kami ng gana dahil napalitan iyon.
Susunod na sana akong umupo sa dalawa pero may kung anong pumigil sa akin.
Tila humawi ang gitna ng sayawan para magbigay sa lalaking ngayon ay nakatitig sa akin. Pamilyar ang tindig niya at bawat paghakbang niya ay nasabay sa liriko ng kanta.
You can leave me
Take away all that I have
You can want me
Love me for who I am
He's wearing a black long sleeves with yellow colors. The glitters make him shine brightly. Maayos na sinuklay ang maitim nitong buhok. Her jaw looks intense ng bahagya na siyang nakalapit sa akin. Choices, romance
Takin' me high in the air
Flyin', so scared
Afraid not to see you again
He wrapped his arms into my waist. I really don't know what's happening. Hindi ko alam kung paanong hindi ako tumututol sa kanyang ginawa. All I can say is that I'm just comfortable with his touch. I placed my arms around his neck. Nagsimula na kaming sumabay sa magandang melody ng music.
'Cause I'm scared to death
Now that I'm losin' you
I'm scared to death
Knowin' I can't get through
He's eyes staring at me. Para bang may kung anong nagwawala sa tiyan ko. Pakiramdam ko rin ay walang tao sa paligid.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Ang ganda mo, Liyag", my heart skipped a beat when I heard his husky voice. Ang kanyang paghinga ay dama ko sa aking tenga.
Wala akong makuhang salita para makapagsalita. Kung magsasalita man ako ay baka mautal ako.
I'm scared to death
Living this so lonely life without you
Oh baby, I'm scared to death
"Bakit parang wala kang mahinuhang salita?", hindi ko alam kung nanunuya ang tanong niya.
Buti na lamang at hindi ganon kaliwanag ang paligid kundi makikita niya kung gaanong kapula ang mukha ko.
Gosh! Nakakahiya!
Nakipagsayawan na ko dati sa iba't-ibang lalaki pero wala naman akong naramdaman na ganito.
Somethings changin'
Giving me fears run through my head
Only find me
Give me the eyes I will understand
"I'm just enjoying the music", sa wakas ay nakaimik ako. Akala ko'y mauutal ako dahil sa itim niyang mga matang nakatitig sa akin.
"Sana pala musika na lang ako", nakuha niya pang magbiro.
Hindi lang naman yun ang na eenjoy ko. Kundi ang makasayaw siya mismo. Kahit walang musika ay sasayaw ako kung siya makakasayaw ko.