Chapter 1: Probinsya
"Ang lupa ng mga magsasaka! Ibalik! Ibalik!" agang-aga ay iyon agad ang bumulabog sa akin. Napabalikwas ako sa aking kama dahil sa ingay. Maagap kong hinawakan ang aking likod dahil sa pagbagsak ko sa sahig. "Kainis! Bakit ang ingay?!" reklamo ko.
Bumukas ang pinto at isa sa mga kasambahay namin ang siyang tumulong sa akin upang ako'y tumayo. Sa totoo lang kahit magkaiba kami ng estado sa buhay siya ang tinuturing kong isa sa mga totoong kaibigan ko bukod kay Aria. Natandaan kong nag away kami ng isang ito over petty things at isa na do'n ang hindi niya pagsama sa akin mag aral malayo. Ngunit ng maglaon naman ay naintindihan ko ang kanyang rason ng magkausap kami.
Syempre! Sinong hindi ma-to-touch sa kanyang ginawa? Hindi siya 'yung tipo ng tao na mahilig sa social media accounts pero naggawa siya ng Facebook account para lang makausap ako at paulit-ulit na humingi nang tawad kahit ako naman ang may kasalanan.
"Bumaba ka na do'n para makapag umagahan ka na"
Inayos niya ang pinaghigaan ko ngunit inagaw ko ang hawak niyang comforter para ako ang magtupi. Napatingin na lamang siya sa akin at saka kumurba ang ngiti sa kanyang labi.
"O, bakit ka naka ngiti?"
"Wala naman. Masaya lang ako na nandito ka"
Ewan ko ba pero may kung anong nag-udyok sa akin na yakapin siya.
"Anong ingay nga pala ang meron sa labas?" tanong ko kay Letty ng tinali niya ang malaking kurtina na tumataklob sa kabuuan ng kwarto. Lumapit ako sa bintana para sinulyapan ang mga taong nasa labas. Kanya-kanya silang dala ng placards at pati larawan ng aking Papa.
"Mga magsasaka sila na nag pro-protesta para mabawi ang kanilang lupang sakahan. Masanay ka na." nauna siyang lumabas sa akin at ako naman ay patakbong sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa kusina. Tinulungan niyang maghanda ng pagkain si Manang Evy-ang nanay niya na matagal na rin nagtra-trabaho sa amin.
Malayo ang itsura nito kumpara noon ang mukha niya ay halos lawlaw ang balat at nagkaroon ng kunot ang kanyang noo. Pinagmamasdan ko siyang maglagay ng mga ulam sa hapag. Ang mga kamay nito ay pumayat kumpara noon. Nang napansin niya ako'ng nakatayo ay ngumiti siya sa akin.
"Kumusta, Senyorita? Mabuti at gising ka na. Kanina ka pa hiniintay ng mga magulang mo. Nandu'n sila sa kanilang kwarto. Pero maaari mong hintayin na lang sila rito. Baba na rin naman sila pagkatapos ng ilang minuto." Malumanay ang boses nito.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Niyakap ko siya at taka siya sa aking ginawa. Sa totoo lang ay mas close ko pa siya kaysa sa aking ina pati si Mang Ben na kasalukuyang driver ko. Mag asawa sila na noon pa man ay kinainggitan ko. Sigurado akong masaya si Manang Evy dahil sa pag uwi ng kanyang asawa.
Naalala ko pa na ilang beses sa akin nagpaalam si Mang Ben para umuwi pero hindi ko siya pinayagan. Wala akong maipapalit sa kanya dahil wala naman akong kilala na pwedeng maging kahalili niya. Ang ibang tauhan namin ay hindi niya katulad para kasi sa akin kati-katiwala siya.
"O, bakit biglang may pagyakap?" natatawang sabi nito habang yakap ko pa rin siya. Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga kamay niya sa likod ko saka hinagod iyon.
"Namiss ko lang kayo, Manang! Saka wag niyo na kong tawaging Senyorita. Hindi kayo iba sa akin ni Letty." umiling silang dalawa. Ayaw kasi ng aking mga magulang na hindi ako tinatawag na Senyorita ng mga naglilingkod sa amin. Pero para sa akin ay pantay-pantay kami. Pare-parehas din naman ang patutunguhan. Alam niyo naman kung ano 'yun kaya hindi ko na kailangan pang ipaliwanag.
Kahit na mas malapit ako kay Manang Evy kumpara sa aking Ina ay nagpapasalamat pa rin naman ako. Dahil kahit isa akong ampon ay tinuring niya kong anak. Sayang nga lang, hindi ko nakilala ang aking Ina. Namatay siya buhat ng isilang niya ko. Nalaman ko iyon bago ako magtapos ng Senior High ng minsan naglayas ako sa bahay. Umuwi ako rito habang sila ay nasa probinsya. Ang tanging kasama ko lang noon ay si Mang Ben na kahit walang sweldo ay nakasunod sa akin. Ang lakas ng loob kong maglayas kahit na alam kong hindi sapat ang ipon ko. Wala pa kong credit cards ng panahon na iyon kaya wala akong mapagkunan ng pera.
Nakakahiya man sabihin ay nanirahan ako sa kanila ng halos isang buwan kaya naging close ko ang batang dating kinaiinisan kong si Letty. Si Letty na walang ginawa noon kung hindi ang bulabugin ako sa umaga upang pumasok sa eskwelahan. Dahil nga close ko na si Letty ng panahong iyon, sumasama ako sa kanya kapag walang siyang pasok upang mamasyal. Pero iba ang tingin sa akin ng mga tao ng minsan nasa parke kami, kung saan naglalaro ang mga bata ng tumbang preso.
Narinig ko ang ilang mga magulang na sumundo sa kanilang anak na pinag uusapan ako.
"Aba'y kasama ni Letty ang maarteng batang iyon? Akala mo naman talaga tunay siyang anak ng Mayor", sabi ng isang naka bestidang bulaklakan at may curlers ang buhok. Nilapitan pa siya ng ilang babaeng nandun na wari ko'y nasa mid
40's.
Mayor pa lang noon si Papa pero mataas na ang tingin sa kanya ng mga tao pati na rin kay Mama. Pero sa a akin iba ang tingin nila. Hindi ko naman ginusto ang sitwasyon ko pero parang pinagmumukha nilang misirable ang buhay ko. Maraming inggit sa akin kahit ang mga batang kilala ako ay minsan akong inaaway. Isa daw akong gold digger. Pero musmos ako noon kaya kahit pagsumbong ay hindi ko ginawa.
"Sinong tinutukoy mo?" saad ng isa sa kanila. Dahan-dahan akong tinuro ng babaeng naka curlers. Kunwari akong nakatingin lamang sa ibang bata na kadarating lamang sa palaruan.
"Ah, si Letty? Baka pinalayas at naisip siguro ni Donya Leonora na ang isang katulad niyang ampon ay hindi nararapat sa kanyang pamilya", naghampasan sila ng kanilang pamaypay habang humalakhak.
Nang nangyari iyon ay hindi na kami bumalik ni Letty dahil agad din akong bumalik sa syudad kinabukasan upang klaruhin ang lahat. Pinaunawa nila sa akin na tinuring nila akong anak na tunay binigay ang lahat na kaya nila. May balak naman silang sabihin 'yon sa akin pero madalas silang pangunahan ng kaba.