Chapter 26: Kiss Again
CHAPTER 26
Aleighn's POV
Nang dumating ako sa bahay ni sir Craige ay ginawa ko lahat ng ipinag uutos niya, pati na rin ang hindi niya iniutos ay ginawa ko ng sa ganoon ay wala siyang maging reklamo sa akin.
Saktong pagkatapos kong ihanda ang hapunan na para sakanya ay ang pagdating niya galing sa kompanya niya kung saan mas malala ang pag uugaling meron siya.
"Tapos ko ng linisin ang buong bahay at kuwarto mo sir, kumain na po kayo," untag ko ng lumapit siya sa gawi ko kung saan naka tayo ako sa gilid ng lamesa
Tinapunan niya muna ako ng masasama niyang tingin bago tuluyang naupo sa hapag habang tinatanggal ang neck tie na suot, ipinag luto ko lang siya ng pork adobo para sa hapunan na sigurado akong nagustuhan niya dahil hindi naman siya nag reklamo ng mag umpisa siyang kumain.
'Ring, Ring, Ring' dinig kong tunog ng telepono kong naka patong sa tabi ng stove, hudyat na may natawag sa akin.
Andrea Calling...
Imbis na sagutin ang tawag ay tinignan ko lang iyon kung sino, baka kasi magalit ang mabait kong amo na si Sir Craige kapag umalis ako sa tinatayuan ko
"Answer that call, ang ingay ng cellphone mo!" inis na untag bigla ni sir Craige habang salubong ang kilay
Ginawa ko naman ang sinabi niya at akmang pupunta sana ako sa maids quarter para doon kausapin si Andrea ng bigla niya akong pigilan at ituro sa akin ang tinatayuan ko, hudyat iyon na wag akong aalis sa puwesto ko habang nakikipag usap sa telepono
Inirapan ko muna siya bago sinagot ang tawag
"Hello Deng," untag ko ng sagutin ang tawag
"Kaya mo bang pumasok ng maaga, kulang ako sa waitress? Dagdagan ko nalang yung bayad girl, "untag ni Andrea mula sa kabilang linya
"Huh ano kasi Andrea," untag ko
Gusto muna sanang umuwi kahit sandali para mahalikan ang anak ko, kaya lang sayang yung dagdag bayad malapit na rin kasi ang araw ng pagbabayad ko kay Raul
"Hindi ka ba pwede?" alalang tanong ni Andrea mula sa kabilang linya
"Hindi naman naghihintay kasi si Ravi sa pag uwi ko, pero sige maya maya nandyan na ako. Dagdagan mo yung bayad ko ah, bayaran ko na naman kay Raul," tugon ko sa sinabi niya
Alam kong naasa ang anak ko pero babawi nalang muna ulit ako sa susunod.
"Sige na Deng patapos naman na ako sa isnag trabaho ko, punta nalang ako dyan," untag ko sabay putol sa tawag saka ko agad na tinawagan si Aling Choleng
"Aling Choleng si Ravi po?" tanong ko ng agad siyang sumagot sa tawag ko
"Nandito at kanina kapa hinihintay, heto at kausapin mo," galit na usal ng matanda mula sa kabilang linya, emosyon na normal na mula sakanya
"Mama uwi kana po ba?" tanong agad ng anak ko ng ipasa sakanya ni Aling Choleng ang tawag
"Anak sorry babawi nalang ang Mama, ang dami ko pa kasing trabaho ngayon. Promise kapag hindi na ako busy ipapasyal ulit kita, gusto ma ba iyon anak?" masaya kong untag sakanya, kahit ang totoo ay nalulungkot ako dahil dama ko ang pagka dismaya niya
"Lagi nalang ikaw busy Mama," malungkot na tugon ng anak ko
Nag init ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, ramdam ko ang lungkot at pagka miss niya sa akin.
Sumulyap muna ako ng sandali kay sir Craige na mukhang wala naman pakialam sa naririnig niyang pakikipag usap ko sa anak.
"Babawi ako anak sorry, promise pagtapos ng mga trabaho ko ipapasyal kita at magba bonding tayong dalawa huh. Pasensya na anak. Kain kana ng hapunan mo tapos sleep ka ng maayos huh, pag gising mo promise makikita mo ako. I love you Ravi ng Mama," untag ko sabay punas sa luhang kumawala na talaga mula sa mga mata ko
Isang linggo palang ang lumipas pero pakiramdam ko miss na miss ko na ang anak ko, halos hindi na ako nakita ng anak ko, dahil sa tuwing gigising siya ay naka alis na ako patungo sa mansion ni sir Craige, at sa tuwing uuwi naman ako galing ng bar at masarap na ang tulog niya.
Nahahabag ako sa sitwasyon naming mag ina pero wala akong magawa, kung mayaman lang sana ako hindi kami mahihirapan ng ganito ni Ravi, palagi pa kaming magkasama araw-araw.
Nang matapos ang pag uusap namin ng Ravi ay kaagad ko ring niligpit ang kinainan ni sir Craige ng umalis siya ng kusina habang magka usap pa kaming mag ina, nilinis ko muna ang kusina at nag timpla ng kape para kay sir Craige bago nag tungo sa garden kung saan prente siyang naka upo na.
"Kape mo boss amo," untag ko sabay lapag sa tasa ng kape niya sa kaharap na mesa
Tanging walang emosyon na tingin lang ang tinugon niya sa sinabi ko
"Sigurado akong tapos na lahat ng trabaho ko sayo para sa araw na ito sir Craige kaya aalis na ako," untag ko sabay ladlad sa buhok kong nakatali mula pa kanina
Nagulat ako ng magtagpo ang tingin namin ni sir Craige at kapansin pansin ang pag tingin niya ng matagal sa mukha ko pababa sa labi ko, kaya naman agad akong tumalikod na sakanya. Ramdam kong may kakaiba na naman sa tingin niyang iyon, baka kung ano na naman ang gawin niya sa akin kaya hangga't maari ay iiwas ako
"Aalis na ako sir kailangan ko ng magtrabaho ng totoo," untag habang naka talikod pa rin sakanya
"Bakit hindi ba totoo ang trabaho mo sa akin?!" may iritasyon sa boses niyang sabi
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Wala akong sweldo sayo eh," seryosong untag ko ng humarap ulit sakanya, kaya naman kita ko ang masama niyang tingin sa akin
"Why won't you go home now and spend time with you're son, I can give you money if you need," mayabang niyang untag sabay simsim sa kape
"Dagdag utang na naman, dibale nalang sir," lakas loob kong tugon
"Magpapa bayad ka rin naman sa bar mula sa mga customer mo hindi ba, why won't you accept my offer instead, makakauwi ka pa ng maaga sa anak mo," untag niya sabay simsim ulit sa kape
"Hindi ako prostitute sir Craige, hindi ako nagpapabayad!" inis kong untag dahil mukhang sa ganoong usapin na naman ang punta ng mga sinasabi niya
"Tapos na ang oras ng trabaho ko sayo ka aalis na ako," inis kong untag sabay talikod na mula sakanya
Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo sakanya ng biglaan niya akong hilahin sa siko ko saka ako mabilis na sinunggaban ng halik, halik na mapupusok na parang punong puno ng inis at galit Agad ko siyang tinulak ng maramdaman kong lumuwag ang pagkaka hawak niya sa siko ko
"Ano ba sir Craige! Bastos ka talaga kahit kailan!" sigaw ko sakanya
"Remember my kiss when someone try to touch you," nakangisi niyang untag saka ako iniwang mag isa sa garden niya
Hindi lang ito ang unang beses na hinalikan ako ni sir Craige, at sa tuwing ginagawa niya sa akin iyon pakiramdam ko ay ang baba- baba ng pagka tao ko para sakanya, dahil alam ko naman na iniisip niyang binabayaran ako sa bar para sa extra services raw mula ibang customers bagay na kahit kailan ay hindi sumagi sa isip kong gawin, bukod nung unang beses na pikit mata akomg pumayag noon sa offer ni Andrea kung saan siya mismo ang naging customer ko.
Inis akong lumabas ng mansion niya habang paulit-ulit siyang minumura sa isip ko. Hindi ko alam kung anomg pag uugali ba talaga ang meron siya, pero isa lang ang nasisiguro ko, baliw na ako sa sobrang stress bago tuluyang makawala sa utang na loob na meron ako sakanya.