Chapter 19: Going with Him
CHAPTER 19 Aleighn's POV
Sa bawat araw na nagdaan ay walang araw na hindi ako napagod sa pagiging katulong sa loob ng mansion ni sir Craige, na halos lahat na yata ng sulok ay nalinis ko na ng paulit ulit ultimo paglalaba ng mga naglalakihan at nagka kapalan na
mga carpet sa loob ng bahay niya ay nagawa ko na dahil iyon ang utos niya, kaya naman halos lantang gulay na ako sa tuwing uuwi ako sa bahay ni Aling Choleng at papasok naman ulit sa bar bilang waitress. Sobrang laki ng pasalamat ko sa diyos dahil naging maayos ng tuluyan ang lagay ni Ravi, may kaonting pag aalala pa rin akong nararamdaman pero kapag nakikita kong maayos siya ay napa panatag na ang loob ko dahil nagagawa niya ng makapag laro ng hindi hinihingal at hindi napapagod agad.
Simula ng bumalik ako sa pagta trabaho sa amo kong kakambal ata ni Lucifer halos araw araw talaga ay pagod ako, alam ko naman na sinasadya talaga ni Sir Craige na pagurin ako sa kakatrabaho sa loob ng mansion niya. Hindi ko alam kung anong klase ng pagkatao ang meron siya, dahil talaga namang wala siyang puso pagdating sa kapwa niya.
Sa mga araw na nagdaan wala ding oras na hindi niya ako sinigawan, kaonting utos lagi siyang naka bulyaw na may kasama pang simangot, sayang tuloy ang pagiging gwapo niya dahil palagi lang ganoon ang ekspresyon ng mukha niya at lalong sayang ang oagiging magandang lalaki niya dahil ang sama ng ugali niya.
Hindi ko tuloy minsan maiwasan ang mapa isip tungkol sakanya kung bakit ganoon ang pag uugali na meron ang isang mayamang gaya niya, naniniwala akong lahat ng tao ay laging may dahilan sa mga bagay na nagagawa o inaakto nila kaya sigurado akong may dahilan si sir Craige, pero sana lang ay wag niyang ikubli ang tunay na siya ng dahil lang sa mga mapait na karanasan niya sa buhay kung meron man
Panibagong araw ngayon pero parehong gawain lang ang gagawin ko, ang maglinis sa buong mansion niya na halos hindi naman nadu dumihan
Maaga akong gumayak ulit ngayong araw patungo sa bahay niya dahil kahapon ay na late akong dumating sa mansion, kaya naman nasigawan na naman ako ni sir Craige, naabutan ko siya pagdating ko sa kusina kung saan nagti timpla ng kape niya na halos wala man lang emosyon ni katiting sa mukha
"Good morning sir," naka ngiti kong untag sakanya ng napansin niyang nakatayo lang ako sa bandang gilid niya, baka kasi magulat ko na naman siya at masigwan niya ako kaya naman hinintay ko nalang na makita niya ako "You're going with me today!" simangot niyang untag pabalik sa akin na ikina kunot ng noo ko
Isasama na naman niya ako malamang sa opisina niya para maglinis at gawing utusan ng lahat ng taong naroon sa kompanya niya
"Wala ba kayong maintenance staff sa komopanya mo sir at palaging ako ang naglilinis doon?!" iritado kong tanong
"Wag kang magtanong dahil wala ka namang karapatan na humindi sa mga gusto ko, it's better to follow my order woman!" salubong na kilay niyang untag sa akin
"And also youre going with me in my business trip in Cebu," walang emosyon niya pa ring untag, na mas ikina inis ko na talaga
"Sir hindi na ho ata patas yang ginagawa mo, may isa pa akong trabaho na kailangan pasukan!" inis kong untag
Ang aga aga ramdam kong inis na inis ako sa amo kong kapatid nga talaga ata ni Lucifer
"You don't have any rights to complain Ali, may utang na loob ka sa akin baka nakakalimutan mo!" pasigaw niyang untag sabay simsim sa tasa ng kapeng hawak niya
"Oo sir may utang na loob ako sayo pero hindi naman mapapakain ng utang na loob ko sayo ang anak ko, wala akong kinikita sa pagiging katulong mo tapos, dadalhin mo pa ako kung saan mo gusto para lang alilain!" galit kong untag sakanya
"Susunod ka sa gusto ko o babayaran mo lahat ng ginastos ko! Choose wisely woman," nakangising niyang untag sa akin pabalik sabay simsim ulit sa kape niya
Sa mga nagdaan na araw palaging sa ganito na uuwi ang pag uusap namin ni sir Craige, paano ba naman kasing hindi halos ilang beses niya akong inalila sa opisina niya, ginawang janitress ng isang araw, ginawang taga bili ng gusto ng mga empleyado niya at higit sa lahat lagi akong hindi nakaka pasok sa bar dahil palagi akong ginagabi ng uwi kaka sunod sa mga utos niya.
Minsan ko ng sinubok na sabihin sakanyang abuso na siya pero lagi niyang pinamu mukha sa akin na meron akong utang na loob sakanya, kaya dapat ay susunod lang ako sa mga gusto niya
Napabuntong - hinga nalang ako saka yumuko alam kong wala naman akong choice kahit magalit ako sakanya, siya ang amo ko na pinagkaka utangan ko na hindi ko alam kung hanggang kailan ko dapat bayaran
"Kailan po ang alis at gaano katagal? " walang emosyon kong tanong
"Tonight kung gaano katagal, I don't f*cking care!" iritado niyang sagot
Gaano kaya katagal ang business trip na iyon at ano na naman kaya ang planong ipagawa ng taong ito sa akin, iniisip ko ang trabaho ko sa bar dahil sayang ang kikitain ko doon, wala pa naman akong naiaabot ngayon na pera kay Aling Choleng para sa pagkain ng anak kong si Ravi
"Pwede naman siguro akong umuwi mamaya para kumuha ng mga gamit ko sir, at para na rin magpa alam sa anak ko di'ba?"
"You can't dahil may trabaho kang gagawin sa opisina ko!" pairap niya untag sa akin
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Hayss okay sir," walang buhay kong sagot
Napagod na ako makipag talo sakanya, wala rin naman mangyayari. Iniisip ko lang ang anak ko at ang mga gamit na dapat kong dalhin, kaya lang ay hindi na siya pumayag na umuwi ako, makikisuyo nalang siguro ako kay Liza na ikuha ako ng gamit sa bahay ni Aling Choleng ng sa ganoon ay may mabaon akong mga gamit ko.
Sana talaga yumaman na ako para hindi ako trina trato ng ganito ng isang Craige Aldomar
"I sent someone to your house to bring groceries and foods for you're son," walang buhay niyang untag na siyang dahilan para mapa angat ako ng tingin sakanya
"Dagdag utang na loob na naman yun malamang sir Craige," seryoso kong untag ng magtama ang mga mata namin
"Tsk!" tanging untag niya sabay talikod at alis ng kusina
Ano kayang nakain ng tao na iyon para magoa dala ng grocery at pagkain sa anak ko, sigurado akong sisingilin niya rin ako para sa bagay na iyon.
Hirap talagang hulihin ng ugali ni sir Craige gusto ko siyang kilalanin ng sa ganoon malaman ko kung saan nagmumula ang pagiging masama ng ugali niya, kaya lang ay pakiramdam ko lahat ng tao na lalapit sakanya ay tinataboy niya agad palayo mula sakanya