Chapter 15: Ravi
CHAPTER 15
Aleighn's POV
Minabuti kong umalis na sa trabaho bilang katulong ni Craige Aldomar, hindi na ako nagpa alam pa sakanya dahil sigurado naman akong hindi siya papayag at iinsultuhin niya lang na naman ako
Sa bar na ako halos nagta trabaho at sa loob ng tatlong linggong lumipas lahat ng trabaho na kaya kong gawin ay ginagawa ako, isa na ako sa naglilinis bago magsara at mag bukas ang bar, naging dishwasher na rin ako. Pasalamat nalang talaga ako dahil pumayag si Andrea na kumuha pa ako ng ibang trabaho dito sa loob ng bar bukod sa pagiging waitress ko sa gabi
Nagalit sa akin ni Aling Choleng dahil sa ginawa kong pag alis ng basta sa mansion ni Craige, dahil aniya ay sayang ang sahod na kikitain ko sa lalaking iyon pero pinaliwanag ko sakanyang mabuti ang naging dahilan ko kung bakit ako umalis nalang basta
Aanhin ko ang malaking sahod kung halos araw araw ay nilalait niya ang pagkatao ko at kung binabastos niya na ako. Isang halik lang iyon oo, pero pakiramdam ko ay nabastos niya ako ng sobra at natatakot akong baka higit pa ang magawa sa akin no Craige sakaling magtagal pa ako sa bahay niya
Halos gabi gabi ay nandito siya sa bar kasama si sir Dave at iba pa nilang madalas na kasamang mag night out, agad na akong umiiwas kapag sa pwesto na nila ako mapapadaan sa tuwing kukuha at maghahatid ako ng mga order ng customer ko
Sinubukan ko ulit na mag call girl sana, pero talagang hindi ko kayang gawin, kaya naman umatras na ako bago palang ako makipag kita sa nasabing customer ko daw. Hindi malaki ang kinikita ko kahit na halos trabahuhin ko na ang lahat ng trabaho dito sa bar, pero kahit ganoon ay nakakapagtabi ako ng para sa pagpa pagamot ni Ravi
"One mojito, one whiskey and one cocktail sa akin," untag ko sa bartender tungkol sa mga inumin na order ng mga customers
"Girl nandyan na naman yung dati mong boss, at ewan ko kung bakit biglaan ka niyang hinanap sa akin," untag ni Liza ng mapansin akong naupo sa katabi niyang bar stool
Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang datimg kong boss at hinahanap raw ako
"Ako hinahanap, nino naman?!" tanong ko sakanya habang salubong ang kilay
"Si Mr. Aldomar girl hinahanap ka, nakaka pagtaka nga eh biglaan akong tinanong," sambit niya sabay subo ng bubble gum
"Anong sinagot mo sakanya?" tanong ko naman
"Na nandito ka malamang, ano naman isasagot ko doon? Wala ka eh sure naman ako na makikita ka niya dito, dahil tambay na halos sila dito ng mga business partners niya atang kasing gwapo niya," malakas na untag ni Liza habang nakataas pa ang kilay at panay ang nguyasa bubblegum na nasa bibig
Dapat sinabi mo wala ako dito, Liza talaga basta gwapo marupok,"natatawa kong sabi
"
"Hayaan mo siya kung sa susunod na hanapin niya ako, sabihin mo wala akong pakialam sakanya ayokong makipag usap sa gaya niya. Lalaitin lang na naman ako ng tao na iyon," walang emosyon kong sabi "Really huh!" untag ng isang boses lalaki sa likod ko na binalewala ko lang dahil baka yung dalawang katabi ko lang iyon na dito mismo na inom sa bar counter
"Kuyang bartender matagal pa ba yang akin?" tanong ko pa sa bartender
Napansin kong biglang hindi kumibo si Liza at parang gulat na gulat na nakatingin sa bandang likuran ko
"Liza para kang naka kita ng demonyo sa itsura mo, magtrabaho ka uy," natatawa kong untag sakanya
"Girl sa likod mo," alanganin niyang sagot habang naka turo sa bandang likod ko na ipinagtaka ko kaya naman nilingon ko ang tinuturo niya at ganoon nalang ang gulat ko ng makita kung sino ang tinuturo ni Liza Si Craige na nakatayo sa mismong likuran ko, masama ang tingin sa akin habang naka pamulsa ang mga kamay
Mabilis kong binawi ang tingin ko sakanya at umastang wala lang sa akin na nakita ko siya
"Hatid ko lang mga order sa akin Liza," untag ko sabay akmang kukunin na ang tray na pinaglalagyan ng mga alak, ng biglang pigilan ni Craige ang pagtayo ko mula sa pagkaka upo sa bar stool "Bakit umalis ka sa bahay ko ng walang paalam!" galit na untag niya sa akin habang masama ang tingin
"Ayoko na kasing mag trabaho sayo," Walang emosyon kong sabi
"At pumayag ba ako?!" galit niya ulit na sabi habang hawak ang isang kamay ko ng mahigpit
"Hindi ko kailangan ng pag payag mo sir Craige," walang buhay ko pa rin nasagot sakanya
"Mag usap tayong dalawa?!" untag niya sa naiinis na talagang boses
"Ako nalang bahala sa mga order sayo girl," alanganing sambit ni Liza sabay martsa palayo mula sa amin
Basta nalang din akong hinila ni sir Craige sa madilim ng parte ng bar, kung saan gumagawa na halos ng kababalaghan ang iba
"Bitawan mo ako ano ba?!" galit komg untag sabaylilit na hinihila ang kamay ko mula sa pagkaka hawak niya
"Sinabi ko ba sayong umalis ka sa bahay ko bilang katulong huh babae ka!" galit niyang sabi sabi kulong sa akin sa pamamagitan ng mga braso niyang naka sandal sa pader "Hindi niyo po desisyon kung aalis ako sir Craige!" inos kong sambit
"Siguro tinuloy mo ang pagiging call girl dahil kailangan mo ng pera!" sambit niya habang unti unti nilalapit ang mukha sa akin, dahilan para maamoy ko ang alak na nagmumula sa bibig niya "Wala kang pakialam sa mga ginagawa ko, dati lang kitang amo!" galit kong untag sabay iwas ng mukha ko mula sakanya, dahil kaonti nalang ay maglalapat na ang labi namin "Masyado kang pa hard to get, I'm sure you're used to this kind of treatment form other men. Bayarang babae ka hindi ba?" natatawang sabi niya sabay ngisi sa akin
Tila umakyat ang dugo sa ulo dahil sa sinabi niya, hindi ako bayarang babae at lalong hindi ko hinahayaan na bastusin nalang ako ng basta
Nakipag sukatan ako sakanya ng tingin at nung akmang sasampalin ko sana siya ay bgla niya akong hinalikan sa leeg habang hawak ang dalawang kamay kong nakataas sa pader Nag init agad ang mata ko dahil sa ginawa niya, pilit akong kumakawala mula sa pagkaka hawak niya pero mas malakas talaga siya sa akin "Ta-tama na sir, tama na!" umiiyak ko ng sabi sakanya
nakinig siya sa sinabi ko matapos niya akong halikan jg sapilitan sa labi, pero siniksik niya lang ang mukha niya sa leeg ko habang unti unti akong inaamoy pa ibaba sa dibdin ko
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Hindi ko deserve ang ganitong bagay, hindi ko man lang magawang lumaban dahil masyado siyang malakas
"Gusto ko talaga sa babae yung matapang, lalo akong ginaganahan," nakangisi niyang sabi ng mag angat siya ng tingin sa akin
Akala ko masama lang ang ugali niya pero hindi ko akalaing, bastos rin pala siya at walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao Umiiyak lang ako habang naka tingin sakanya ng diretso at wala man lang akong makitang pag sisi sa mga mata niya dahil sa ginagawa "Aleighn! Aleighn!"
Akmang hahalikan niya na sana ulit ako sa leeg ng may tumawag sa pangalan ko mula sa malayo, dahilan para hindi matuloy ang pag halik muli sa leeg ko si sir Craige. Sabay kaming napalingon dalawa ni Craige Si Andrea habang hinihingal
"Aleighn san kaba galing, kanina pa ako ikot ng ikot kakahanap sayo! Si Ravi sinugod sa ospital!" sigaw niya untag sa akin
"Andrea hindi magandang biro yan huh?" naluluha kong tanong sakanya
Dahil imposible iyon sigurado akong maayos si Ravi kanina bago ako umalis ng bahay
"Langhiya Aleighn kailan ko ginawang biro ang mga ganitong bagay! Tumawag si Aling Choleng sa akin at iyak ng iyak!" pasigaw niya parin na untag sa akin
Unti unti ay naramdaman kong lumuwag na ang pagkaka hawak ni Craige sa kamay ko, tila nanlambot ang tuhod ko dahil sa nalaman. Anong nangyari sa anak ko, maayos palang siya kanina ng umalis ako "Ang anak ko!" umiiyak kong sabi at walang ano ano ay nagtatakbo na ako palabas ng bar at di alintana kung may mabangga man ako, isa lang ang nasa isip ko kailangan ako ng anak ko sa mga oras na ito Mabilis akong nakalabas ng bar at akmang papara na ako ng taxi na masasakyan may humintong sasakyan sa harapan ko
"Get in I'll drive you!" untag ni sir Craige
Sariwa pa sa isip ko ang ginawa niya, pero saka ko na iisipin ang bagay na iyon kailangan kong makarating ng mabilis sa ospital kung nasaan ang anak kong si Ravi