Chapter 13: Call Girl
CHAPTER 13
Aleighn's POV
Lumipas ang mga araw at linggo na hindi ko pinapansin si sir Craige, ginagawa ko lang ang mga araw araw kong trabaho at ang mga utos niya at halos hindi ako nakibo sa mga sinasabi niya
Baka kasi anong panlalait na naman ang marinig ko mula sakanya, baka idamay niya na naman ang anak ko at sabihan ng kung ano anong hindi magandang salita
Na ipa check up ko si Ravi noong nakaraang araw, at ayon sa doktor na tumingin sakanya, maiging espesyalista ang tumingin sa anak ko dahil ang sakit niya sa baga ay pwedeng mauwi sa sakit sa puso dulot ng hindi normal na paghinga ni Ravi,
Kaya kahit ayoko ng magtrabaho bilang katulong ni sir Craige ay nagpaptuloy ako, hindi naman kasi para sa akin ang ginagawa ko, para sa anak ko kaya magtitiis ako
Madalas siyang sa mansion nagta trabaho sa mga lumipas na araw, kaya naman halos nagtatago lang din ako sa maids quarter ng bahay niya sa tuwing matatapos ang trabaho ko.
Lumalabas lang ako para ihanda ang pagkain niya o kaya naman sundin ang mga ipinag uutos niya
Sa mga araw din na nagdaan mula ng mang galing kami ng anak ko sa doktor ay hindi ko maiwasang malungkot, iniisip ko kung paano ako kikita ng malaking pera maipagamot lang agad ang anak ko Minsang sumagi din sa isip ko na tanggapin ang alok sa akin ni Andrea na maging call girl, labag sa akin ang bagay na iyon pero kung para naman sa kapakanan ng anak ko ang gagawin ko Ayokong may mangyaring masama sakanya kaya lahat ng alam kong paraan ay gagawin ko, masyado pang bata si Ravi at hindi ko kakayanin kung may mangyayari sakanya
Nandito ako ngayon sa kusina habang si sir Craige ay abala sa kausap niya sa laptop niya sa may living room niting mansion niya, kaya naman naisip kong tawagan si Andrea at sabihin sakanya ang pasya ko Bahala na, basta para sa anak ko
"Hello Andeng, tungkol doon sa alok mong extra job. Papatusin ko na, payag na ako!" untag ko sakanya
"Sigurado ka?" nag aalala niyang tanong
"Bahala na deng, basta ihanap mo ako ng mabait na customer ah. Sige na magkita nalang tayo mamay" untag ko sabay putol sa tawag
Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa akin, pero bahala na
"Coffee please" walang emosyong untag ni sir Craige na hindi ko namalayang nandito pala sa kusina, sinunod ko nag utos niya ng hindi kumikibo
Pansin ko ang pag sunod niya sa bawat kilos ko pero hindi ko nalang pinapansin, ayokong sabayan ang kung ano mang trip niya ngayon sa buhay "Pipe ka bang babae ka? Bakit halos hindi kana nagsasalita?!" pasigaw niyang tanong
Ayoko sanang sumagot, kaya lang ay mykhang kakatayin niya na ako sa paraan ng pag tingin niya sa akin
"Wala naman po kasi akong sasabihin" walang emosyon kong sabi
Masamang tingin lang ang nakuha kong tugon kay sir Craige ng sabihin ko iyon bago siya umalis ng kusina bitbit ang kapeng ginawa ko
Natapos ang oras ng trabaho ko sa mansion at agad akong nagpa alam sakanya na uuwi na ako, hindi naman ako naka kuha sakanya ng sagot pero at least nagpa alam akong uuwi na
Habang paplapit ang oras ng pag pasok ko sa bar ay unti unti kong nararamdaman ang kaba, at paulit ulit din akong nag dalawang isip pero mas nanaig sa akin na ituloy ang ginawa kong desisyon, sana lang ay mabait ang maging customer ko Para kay Ravi, pauulit ulit kong sabi sa sarili ko
"Sure kana ba girl?!" naninigurong tanong ni Liza, siya ang nag aayos sa akim ngayon
"Wag kang mag alala, kilala ko ang magiging customer mo Aleighn, kaya wag kang kabahan" seryosong untag ni Andrea
Tahimik lang ako at hindi nakibo sakanilang dalawa ni Liza, hindi ko alam ang gagawin ko sa totoo lang. Paano kung masamang tao yun, paano nalang ang anak ko
"Wag kang mag isip ng kumg ano man Aleighn, hindi ka papatayin non" untag bigla ni Andrea, napansin niya kasing tulala ako
"Papatayin ka nga lang sa sarap, kunwari kapag Aleighn matagal ka ng walang dilig kaya chance mo na din ito ngayon" natatatwang sabi naman ni Liza, kaya agad agad siyang binatukan ni Andrea
"Yang kabastusan mo talaga Liza, damay mo si Aleighn" untag ni Andrea kay Liza habang natatawa
"Osiya ready to go kana" sabi ni Liza sabay himas sa mga braso ko
Hindi ako komportable sa suot kong maigsing itim na dress na masyadong hapit sa buong katawan ko at sa mataas sapatos, pero sabi ni Andrea ito ang dapat na suot ng isang call girl
Sinamahan ako ni Liza sa VIP room kung saan ko kikitain ang magiging una kong customer bilang call girl
"Kaya mo yan girl, kapag sinaktan ka may emergency button sa gilid ng pintuan" sambit bago ako tuluyang iwan mag isa
Pag bukas ko ng pintuan ay tumambad sa akinnang isang kwarto na may kapulahan ang ilaw, may isang malakimg sofa at coffe table ang naka pwesto sa gitna habang sa bandang gilid naman ay ang kama Kanina desisdo akong gawin ang bagay na ito kahit labag sa loob pero ngayong nandito na ako, para gusto ko nalang ulit lumabas ng pintuan
Akmang lalabas na sana ako ng mapansin ko ang isang lalaking nakatayo sa may gilid ng kuwarto at may hawak na alak
Nanlalaki ang mga mata ko at halos panawan ako ng ulirat ng makilala ang lalaking nakatingin sa akin sa mga oras na ito at kasama ko sa iisang kuwarto
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Sir Craige?" nahihiya kong sambit habang pilit hinahatak pababa ang damit dahil sa sobrang igsi
"So call girl kana pala ngayon!" untag niya habang papalapit sa akin habang paatras naman akomg naglalakad
"Wag mong sabihin na para pa rin ito sa anak mo?" sambit niya ulit
Halos hindi na ako makagalaw at maka sagot sa mga sinasabi niya, dahil halos magka lapit na kamimg dalawa sa mga oras na ito
"Ayaw mong tawaging malas ang anak mo pero pinasok mo ang ganitong trabaho! Nag iisip kaba ng tama! Pagiging bayarang babae para sakanya!" iritado niyang sabi
"Ano bang pakialam mo! Diskarte ko to kaya wag mong sirain!" matapang kong untag
"Pera ba talaga ang kailangan mo o gusto mo lang din talagang mag pa galaw sa kung sino dahil hinahanap na ng katawan mo ang kakaibang init" malisyoso niyang sabi, pero iba ang dating sa akin kaya naman agad ko siyang sinampal
"Ang hilig mong panghimasukan ang mga ginagawa ko, puro ka lang naman din panghuhusga sa akin! Wala kang alam sa mga dahilan ko sir Craige kung bakit ko ito ginagawa! Wag kang umakto na parang sayo may mawawala kung gawin ko man ang bagay na ito!" naiiyak ko ng sabi
"Desperada ka!" sigaw niya sa akin
"Desperada ako sa paningin mo dahil hindi mo alam ang mga dahilan ko! Palibhasa mayaman ka kaya wala kang alam sa mga hirap na dinadanas ng tulad ko!" sigaw ko sabay takbo palabas ng kuwarto
Akala ba niya masaya akong gawin ang bagay na ito, akala ba niya ginusto kong humantong sa desisyon na ito, wala naman siyang alam bakit ang hilig niya akong husgahan
Umiiyak akong dumiretso sa staff room bar saka dali daling nagbihis at umalis. Sa mga oras na ito gusto ko lang mayakap ang anak ko, sa yakap niya lang gagaan ang pakiramdam ko