Chapter 10 The Annoying Newbie
Matapos kaming kumain, sila na nagligpit at ako naglakad lakad na muna.
"Hey" napatingin ako sa likod ko, tsk bakit ba sumunod pa 'to, bumalik ako sa paglalakad at hindi na siya pinansin pa, nararamdaman ko ang pagsunod niya sakin. Nang makalayo na ako sa mga kasama ko hinarap ko siya. "Bakit ba sunod ka ng sunod sakin?"
"Ang sungit mo naman, gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Excuse me? Pero flirting ang ginawa mo kanina" mataray kong saad. "Sorry na inaasar lang naman kita, masyado ka kasing seryoso" me? "What? Me?" Taas kilay kong sabi.
"Oo, tignan mo na, ayan oh sinusungitan mo nanaman ako" hmp, umupo ako sa bench na malapit sa puno, tinignan ko sila habang naglilinis, si Cai at Kal na nag-aayos ng mga itatapon at sila Zin at Ysabel na nagliligpit ng mga kinainan namin. "Alam mo may napapansin ako" tumingin ako sa likuran ko at kinunutan siya ng tingin.
"Ano yun?"
"Ah wala wala" inisnob ko siya at tumingin ulit sakanila halos patapos na silang maglinis, nakita ko si Zin at Ysabel na naghaharutan, napa iwas ako ng tingin, nasa part palang ako ng healing please naman "masakit?" Tinignan ko siya ng may pagtataka.
"Anong masakit?" Tanong ko, sumandal siya sa balikat ko kaya agad ko siyang tinulak pero bumalik siya kaya tinulak ko ulit pero dahil nga dakilang makulit siya bumalik ulit kaya hinayaan ko nalang "I know na may pagtingin ka sakanya pero mukhang iba ang gusto niya" napatulala ako dahil sa sinabi niya, paano niya nalaman samantalang bago lang siya dito.
"Shut up"
"See? Halata naman na gusto mo siya, pero ang masakit hindi ikaw ang gusto" tinignan ko siya ng masama.
"I said shut up" tinawanan lang niya ako.
"Hindi yan tatalab sakin"
"Eh kong ipaligpit kita" taas kilay kong sabi sabay cross arms.
"Hahahaha alam kong hindi mo kaya" I rolled my eyes nalang at umiwas na ng tingin sakanya "alam mo sayang yang ganda mo kong magsusungit ka lang" I don't care "what if maging friends tayo?"
"In your dreams" narinig ko ang mahina niyang pagbungisngis, masyado siyang FC. I don't like him.
"Yes I'm in your dreams later" ghaddddd!
"That's not a dream, that's a nightmare"
"Ang sungit mo, sige na friends na tayo please" tsk asa siya.
"Whatever"
"So it's not a no"
"It's also not a yes" ghaddddd please kunin niyo na ang taong 'to "alam mo sayang talaga yang ganda mo kong sisimangot ka lang"
"Anong gusto mo? Ngumiti ako ng pilit?"
"Hindi naman, pero ang gusto ko" tumaas ulit ang kilay ko "ay ang mapangiti ka, sa paraang alam ko at ako lang ang makakagawa" ngumiti siya, napatulala ako dahil dun, ang genuine ng smile niya para siyang walang problema, Sana naman mahawaan niya ako. I laughed in my mind "you smile!" napatingin ako sakanya, kita sa mukha niya ang gulat.
"So?"
"Ako ba ang dahilan?" Tumayo na ako at lumakad papunta sa mga kasama ko.
"Wait lang" sumunod siya sakin.
"Ano ba ang ingay ingay mo"
"Ito na po kamahalan tatahimik na" naririnig ko ang mga yapak niya pero ang tahimik na niya, sinilip ko siya at nakita kong nakatikom na ang bibig niya, good.
"Saan kayo galing ha?" Tanong ni Cai.
"Jan lang naglakad lakad ako"
"Eh bakit kasama siya?" Tanong ni Kal.
"Siya ang tanongin niyo siya ang sumunod sakin" Naasar ako sa ganito, ang dami nilang tanong.
"Tama na nga yan bumalik na tayo sa mga klase natin" buti nalang nandito ka, thanks a lot.
"Oh edi Tara na" kinuha na nila ang mga gamit nila, lumakad na kami pabalik sa building namin.
"Gusto niyo bang pumuntang mall?"
"Ahm sorry ah, hindi kasi ako makakasama may work pa ako after class" sabi ni Ysabel, in just a short time nakilala ko siya, hindi siya tulad ng iniisip ko, Zin cares for her because of Kal's order, but I don't think I have a chance on him, hayst it's hurt seeing your love be with another, nasa part pa lang ako ng healing geez.
"Next time nalang, kailan ba day off mo?"
"Saturday free ako"
"Ok na siguro yun" sabi ni Cai.
"I have a better idea" napatingin kaming lahat kay Kal "kukunin kitang maid namin.
"Kal!" Sabay sabay naming sabi maliban sa tahimik kong katabi.
"What!"
"Sakin nalang siya Kal" sabi ni Cai.
"Ok para sa ikatatahimik ng lahat ako na, sakin na siya magtratrabaho" sabay sabay kaming napalingon sakanya.
"Zin?"
"For all of as and one more thing, I need a P. A." Sabi niya "at isa pa classmates' kami"
"Pero Zin" sabi ni Kal.
"Hindi sila tututol, akong bahala"
"Zin are you really sure?" Tanong ko.
"Yes I'm sure, later kakausapin ko sila and how about you Yan, is that ok for you?"
"Yan?" Sabay sabay naming sabi.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñel5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now! "Yes, her real name is Ysabel Yanna Salazar, what's the matter with that?"
"Ah wala wala, akala ko gumawa ka ng palayaw niya" sabi ni Kal.
"Hahahaha bro gumagawa ako ng palayaw pero nasa pangalan lang din ng tao, hindi naman ako gaya mo"
"Hoy Zin" at nag-asaran na nga sila, lumapit ako kay Ysabel at hinatak siya.
"Zeindy!" at sabay sabay pa nga sila.
"What?!"
"Saan mo dadalhin si Ysabel" sabi ni Cai.
"Duhhh nagtatalo kayo at nasa gitna niyo siya, what if masagi niyo siya or worse masaktan, duhhh think boys" napa-irap ako sa asal nila, para silang mga bata.
"Zeindy is right" napatingin ako kay Ysabel, tumingin din siya sakin at ngumiti, kaya ngumiti din ako.
"Ahm guys I have to go, malapit na magstart ang next class. Salamat nga pala sa free lunch, nabusog ako" sabo ng maingay na lalaki.
"Sige bro, susunod na din kami and your welcome" sabi ni Kal.
"Mauna nako" sabi niya "Zeindy" tumingin ako sakanya, ngumiti lang siya pero tinaasan ko lang siya ng kilay "see you later" tsk annoying, umalis na siya, nakatingin lang ako sa likod niya. "Ehem" napatingin ako sa gumawa ng ingay na yun "ang kati" umakto naman siyang nangangati.
"Cai ingat ka baka maapakan mo buhok niya" naningkit ang mga mata ko sakanilang dalawa.
"Oo nga pala, oh Kal ibubuhol ko at baka maapakan natin" mga sira.
"Tara na nga pumasok na tayo" Salamat naman Zin.
"Oo nga at baka mahuli pa tayo sa klase" sabi ni Ysabel, kumapit ako sa braso niya at hinatak na siya.
"Bye mauna na kami" sabi ko.
"Wait" agad naman silang sumunod samin.
Natapos ang araw na yun na maingay, ano pa ba, syempre dahil sa katabi kong napaka ingay duhhh.