Chapter CHAPTER 6.1
Napatalon si Gian noong may bumusina sa likuran niya. Halos mapakapit pa siya kay Zachariel kung hindi lang siya tinawanan nito at pabirong itinulak. Nang lumingon siya, nabigla siya nang makita si Lyle na naka-motor. Kung kanina, iba na ang awra nito dahil sa suot na mga damit. Ngayon, lalo pang nag-iba ang ihip ng hangin sa paligid ng binata! Mas malakas ang dating at maangas...
Ngumiti ang mga mata nito sa kanya sa kabila ng suot na helmet, awtomatiko rin siyang napangiti. Iyon lang, at nilagpasan na sila ni Lyle para tumungo na sa labasan ng SM.
"Nyay! 'Kala ko ba walang date na nangyari, ba't may pagano'n na?!" Mapang-asar na sigaw ni Zachariel noong wala na si Lyle sa mga paningin niya. "Kayong dalawa, a! May pangiti-ngitian na!"
Nilingon niya ang kaibigan at saka niya ito siniko sa tiyan. Napahalakhak naman ang isa at napahawak din sa parteng tinamaan niya kahit hindi nasasaktan.
"Gian, a. Ano na, kinuha mo rin ba numero no'n? Text mo agad pagkauwi mo, pro tip 'yan!"
Napangiwi siya. "Anong pro tip, Zach? 'Wag mo nga akong itulad sa 'yo. Isa pa, pinipilit ko na lang ngang huminga kanina no'ng magkasama at magkausap kami, e. Hingin ko pa kaya numero niya? Saka, para sa'n ba?"
"Nyay, mahina pa rin pala 'tong bunsong manok namin!" Naiiling na sabi ni Zachariel bago ipinagkrus ang mga braso, "Malamang para tsumansing lalo! Ayaw mo bang mas madalas makausap 'yong crush mo?" Pinangilabutan si Gian. "Sabi na ngang 'di ko kasi crush si Lyle! Ang kulit mo rin, 'no?!"
Imbes na pansinin ang pagdipensa niya, tumalikod lamang si Zachariel at saka umarteng nanghihinayang. Mayroon pa itong sinabi tungkol sa 'iti-train' daw siya nang hindi sa trabaho lamang umiikot ang mundo niya pero sinipa niya lamang ang kaibigan. Hindi niya ito madalas na gawin ngunit crucial ang mga oras na ito!
"Ewan ko ba kasi sa 'yo, Gi! Kinalimutan mo pa kung ano 'yong pinakaimportanteng ingredient sa pagpapapansin!"
Bumuntong hininga siya. "Wala na ba talaga, Zach? Final na ba 'yan? Mukhang kahit ipilit ko talagang 'di ko crush si Lyle, mukhang fixed na sa isip mo."
Gusto niya talagang batukan si Zachariel dahil ang kulit niya. Hindi pa nakikinig sa mga paliwanag niya! Kahit ilang beses na niyang pinabulaanan ang paratang nito na nagpapapansin siya kay Lyle, lumalabas pa rin sa kabilang tenga nito lahat ng sinasabi niya. Kaya para ma-divert sa ibang bagay ang atensyon nito, ikinuwento niya ang mga nangyari sa kung paanong sila ang naabutan nitong magkasama ni Lyle samantalang si Leon ang inaya nitong bumili ng salamin. Nang mabanggit niya si Dr Gaviola, natahimik sandali si Zachariel.
"Weh? 'Di mo kilala si Dr Gaviola slash kuya Keith ni Leon no'ng high school? Madalas niya ring bukambibig 'yon dahil naging crush niya ng high school!"
Ngumiwi si Gian at palihim na ipinagdasal ang kaluluwa ni Zachariel at kung narinig lang ni Leon ang sinabi nito tungkol sa pagiging 'crush' daw nito si Dr Gaviola noon, baka hindi lamang palo sa ulo gamit ang dos por dos ang matamo nito. "Huwag ka ngang gumawa-gawa ng kwento, Zach. Tatamaan ka niyan kay Le," aniya.
"Ah. Ayaw mo maniwala?" Humalakhak si Zachariel bago tinapik ang balikat niya. "Di mo na ba naaalala noon na sobrang attached si Le sa barkada ng kuya niya? Si doc Gaviola kamo 'yon, gago!"
Tila ba mayroong light bulb na lumitaw sa itaas ng ulo niya nang may mga glimpses mula sa nakaraan ang lumitaw sa isip niya. Sandali siyang napamaang bago siya parang tangang itinuro si Zachariel na tumatango-tango lamang noon. Malapit na siyang maniwala na naging crush ni Leon si Dr Gaviola dahil mayroon nga siyang naaalala na inaabandona sila ni Leon noon para lang makita ang 'kabarkada ng kuya Nards' niya!
"Siya 'yong eye doctor ko! E, bakit naman galit si Leon sa kanya kung nagustuhan naman pala niya dati?"
Nagkibit balikat si Zachariel. "Gusot nila 'yon, labas ako ro'n. Basta naisip namin ni Ridge na nagustuhan niya 'yon noon. Ngayon, ito ang bomba. Matagal na ring may gusto sa kanya 'yon! Pinopormahan nga ni Keith Gaviola si Leon, e. Si kuya Keith mismo nagsabi sa 'kin!"
Syempre, nagulantang si Gian sa nalaman. Ipinaliwanag naman ni Zachariel na minsan na raw niyang nakita iyon noong bumisita siya kina Leon. Tinanong pa raw siya kung boyfriend ba siya, at bilang dakilang tsismoso at epal itong barkada nila, tinanong niya na rin kung bakit ang presko sa kanya dahil kay Leon. Hanggang ngayon, hindi nagsi-sink in kay Gian na mayroon palang history si Leon at Dr Gaviola-isang malaking palaisipan na lang talaga kung bakit galit ang kaibigan nila sa binata.
"O, 'wag mong sasabihin lahat ng tsaang yan sa harap ni Le, tatamaan tayo pareho! Nakita mo naman kamo kung gaano kainis kay kuya Keith iyon. Ah, isa pa, kaya ayaw naming mabanggit mo 'to kay Leon dahil alam nating lahat na 'di pa siya kumportable sa ganitong mga usapan."
Bumuntong hininga ito.
"Natitiis niya sina Ridge at Zamiel, syempre. Ayaw niyang ipagpalit barkada natin dahil sa 'di siya kumportable. Naiintindihan din no'ng dalawa. Bigyan lang natin ng time 'yon."
Hindi na siya nagkomento pa at hinayaan lang itong magkuwento lalo na sa dinanas nito sa branch ng resto niya sa San Fernando. Ipinaliwanag nito na maayos daw ang takbo ng resto ngunit hindi maiiwasang mas matao roon. Palibhasa, malaking siyudad. Ngunit sa gitna ng pagkukwento, hindi maiwasan ni Zachariel ang maging pilyo.
"Oo nga, tutal pumapag-ibig ka, dalhin mo na rin sa branch ko si Lyle! Mag-date kayo ro'n!"
Bakit ba lahat na lang, inaasar siyang may gusto kay Lyle samantalang wala nga?! Gusto niya lang mapalapit dito at maging kaibigan ng binata! "Malisyoso ka talaga, Zach! Wala nga kasi 'kong gusto ro'n! Babae rin naman ang tipo ko!"
"Ulul!" Natatawang asik sa kanya ng binata bago hinampas ang likuran niya. Nabigla pa si Gian noong ang lakas ng tunog na kumawala sa interaksyon na iyon! "Ganyan din sinabi ni Zamiel no'n pero tignan mo ngayon, 'di magkamayaw t'wing nandiyan si Ridge! Nako, ako pa talaga lolokohin niyo e matang lawin nga ako!"
Nakangiwing niyang hinahaplos noon ang parte ng likurang hinampas ni Zachariel bago siya sumagot. "Ang hilig mong magsabi ng ganyan. Baka naman mamaya, kaya mo kami ginaganito e dahil ikaw talaga 'tong nagkakaro'n ng tipong lalaki?"
Napahalakhak ito. "Ano naman kung baka nagkakagusto rin ako sa kapwa ko lalaki? 'Di naman mali 'yon! Ang mali, iyong itatago mo kung ano ba talagang gusto mo. Ba't mo kasi itatago kung do'n ka masaya?"
"That doesn't apply to how I see Lyle. Malisyoso lang kayo!"
"Wala naman akong sinasabi, Gi!"
Napahaba ang usapan nila at noong mga bandang ala sais, doon pa lamang sila nagkayayaang mag-grocery. Nagpasama si Zachariel sa kanya na bumili ng ingredients para sa ulam panghapunan nila Zamiel sa Hypermarket. Sinamahan niya, at inaya rin naman siyang kumain nito sa bahay nila.
Iyon nga lang, hindi niya inaasahan ang mga susunod na mangyayari pagkatapos niyang pumayag sa paanyaya ng binata.
Noong dumating sila, nasa sala sina Ridge at Zamiel, nanonood ng chic flick. Nakaupo sa sofa at nakabalot ang mga pang-ibaba ng manipis na blanket. Mukhang movie night nila dahil may mga inumin at pagkaing nakalatag sa center table. Nakaakbay si Zamiel kay Ridge samantalang ang isa, nakahilig ang ulo sa balikat ni Zamiel at natutulog. Kung hindi lang din siya niloloko ng mga mata, magkahawak pa ang mga libreng kamay ng dalawa at minamasahe pa ni Zamiel ang likod ng palad ni Ridge.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Iyan si Zamiel na itinatangging mahal na mahal niya si Ridge.
"What are you both doing here?" There was irritation in Zamiel's voice as soon as he felt their presence.
"Sungit naman nito. Dito rin ako nakatira, tanga!" Sagot ni Zachariel sa kakambal.
Tumawa naman siya. "Inaya ako ni Zach."
"Nagkita kaming dalawa sa SM!" Dagdag pa ni Zachariel, "inaya ko rin pala si Leon!"
Nabigla siya nang marinig iyon. Nilingon niya si Zachariel, nagtatanong ang mga mata kung bakit tila makukumpleto silang lahat ngayong gabi samantalang miminsan lang naman mangyari ang ganito. Madalas pa, kapag may ganap lang. "O, anong tinitingin-tingin mo?" Pilyo siyang nginisian ni Zachariel. "Kung makatingin ka, parang may kasalanan ako, a! Masama na ba na magsama-sama tayo paminsan-minsan? Napakabi-busy natin sa trabaho saka kailan lang umuwi si Ridge, pagbigyan niyo 'ko!"
Umikot ang mga mata ni Zamiel. "Kuda ka ng kuda, may narinig ka bang nagprotesta?"
"Wala," natatawang sagot ni Zachariel at saka natigilan nang may maalala, "nga pala, may tsismis tayo ngayon featuring Gian kaya dapat, kumpleto tayo!"
Nahulog ang panga niya nang magdeklara si Zachariel ng tsismis, pero bago pa niya ito mapigilan, mabilis na tumakbo si Zachariel sa kusina bago siya nilingon. Hala, gago! Dapat talaga, hindi na sila nagkita kanina e! Kung sanang mas maaga na lamang niyang inayang umuwi si Lyle!
Samantala, noong mabanggit ang magic word, naalimpungatan si Ridge. Luminga-linga ito para tukuyin ang kinaroroonan at nang mapaharap kay Zamiel, kaagad siya nitong inalagaan.
"Kabilis. Nakarinig lang ng tsismis," puna ni Zamiel.
Nang makita siya ni Ridge, mabilis itong humilig ulit sa balikat ni Zamiel at mahinang natawa. Pinaupo naman siya ni Zamiel sa tabi nila pero mas pinili nito ang sofa na malapit sa pintuan kung kaya naman hinayaan sila nito. Napansin niya rin ang pagbulong ni Ridge sa kasintahan. Maging ang mahinang pagtawa at pag-aasaran ng dalawa. At kung siya lang, sa totoo lang? Nauumay na siya sa kalandian nilang dalawa.
"The fuck are you doing to the innocent?"
Ridge hushed his man. "It's for his sake, and wouldn't it be fun to see how things play?"
Ganito lamang ang glimpses na naririnig ni Gian mula sa usapan ng dalawa at hindi niya maiwasang makuryoso, pero marahil dala ng distansya nila at pagtanggi niyang umupo malapit sa mga ito, wala na siyang masagap pang tsismis! "Gi, may ginagawa ka?!" Sigaw ni Zachariel mula sa kusina.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Napatuwid siya ng pagkakaupo at inalis ang mga mata mula sa magkasintahan.
"Wala, bakit?" Sigaw niya pabalik.
"Pakibuksan naman 'yong gate, nariyan na 'yong engineer!" Sumilip si Zachariel mula sa kusina. "Di ko na uutusan 'yong magjowa sa tabi. Parang 'di sapat isang gabi't isang araw sa paglalampungan, e!" Umahon na mula sa kinauupuan si Gian para sundan ang inutos ni Zachariel nang pukawin ni Ridge ang atensyon niya.
"Gian, may nag-text na ba sa 'yo?"
Napalingon siya rito. Umangat ang mga kilay niya at nagtatakang tinitigan ang binata. Hindi malaman kung ano ang nais nitong iparating.
"Anong text?" Tanong niya.
Mabagal na napakurap-kurap si Ridge bago sumilay ang multo ng mga ngiti sa labi nito. Ngunit sa katunayan, mukhang itinatago lang nito ang hindi niya maipaliwanag na pagkadismaya.
"Never mind. Sunduin mo na si Leon, baka pagod pa 'yon sa trabaho."
At iyon ang ginawa niya. Binuksan niya ang gate at saktong kabababa lang din ni Leon mula sa sasakyan nito. Nang masalubong niya ito, kaagad na nagtanong si Leon.
"Gian, anong tsismis 'yong sinasabi ni Zach?"
Tama bang ganyan ang ibungad?! Mga abno talaga itong mga kaibigan niya, e. Uhaw na uhaw sa tsismis! Dadaigin na nila iyong mga Marites nilang mga kapitbahay! Namilog ang mga mata niya at tila nasamid siya ng sariling laway. "W-wala akong alam! Wala 'yon!"
Kumunot ang noo ni Leon. "Ba't 'di mo alam e kayo pala 'tong kanina pa magkasama ni Zach mula nang iwan kita?"
"Wala nga lang 'yon," kabado niyang sabi, ngunit tila ba nakatunog si Leon sa dipensa niya.
"Ah. Tungkol yata sa 'yo 'yong tsaa kaya ang defensive mo. Matanong nga si Zach."
"L-Leon, hoy!"
Halos magkandaugaga siyang habulin si Leon noong dire-diretso itong pumasok sa bahay ng mga Chastain para hanapin si Zachariel. Ang bastos naman ng mga kabarkada niya, e! Idadamay pa siya sa kalokohan!