Can I be Him?

Chapter CHAPTER 4.1



Natigilan ang binata-who turns out to be the one and only, Ridge-mula sa pananalita nang mapansing magkasama pala sila ni Keegan.

Moreover, he looked stunning in his jet black t-shirt. It complimented his raven hair and dark eyes. Mas nadepina rin ng suot nitong t-shirt ang makisig na katawan ni Ridge. At bagamat pawisan, pinupunasan nito ang mga kumakawalang butil ng pawis sa noo, mukha, at leeg gamit ang baong bimpo.

Tumaas ang gilid ng mga labi ni binata noong makita nito ang hawak na kapirasong papel.

Mahina itong humimig. "Ano 'yan? Love letter ba 'yan para kay Keegan, Lyle?"

Napaatras siya noong mapansing naglalakad palapit si Ridge sa kanya upang silipin ang papel na hawak. Lalo lang lumawak ang mga ngisi nito nang mag-react si Keegan.

"Sira ulo ka talaga! Love letter, nakasulat sa pipitsuging papel? Ikaw lang nakakatanggap ng gano'n!" Singhal nito sa binata at akmang hihilain sana ito palayo kay Lyle kung hindi lamang nakaiwas kaagad, "ba't ka ba kasi nandito?!" "Tapos na kasi routine ko, 'di mo ba 'ko narinig?" Anito bago siya binalingan, "ano 'yan, Lyle?"

Tumaas ang sulok ng mga labi niya at napahalakhak, ngunit kaagad iyong namatay nang umakbay si Ridge sa kanya. Tumuwid ang likuran niya at ang bilis na bumaling kay Ridge. Ngunit ang mga mata nito, naroon lang sa kapirasong papel na hawak niya.

Hindi bale na, mas malapit naman niyang nakikita ang makakapal nitong kilay at mahahaba nitong pilik mata. Pati na rin ang mga namumula nitong pisngi dahil sa pagod sa pag-eexercise, kitang-kita niya. 'Ang gwapo.'

Dahil abala siya sa pag-oobserba ng itsura ni Ridge, nakagat niya ang loob ng mga pisngi nang bumaling ito sa kanya. Hindi lang din siguro siya kakalma sa palihim na paghihisterikal nang tumikhim si Keegan. "Hoy! Sabi mo tapos ka na sa routine mo, anong ginagawa mo rito? Umuwi ka na!" Ipinagkrus nito ang mga braso at pilit na ikinunot ang noo kahit na ang totoo, gustung-gusto na nitong mapahalakhak sa sitwasyon ni Lyle. Bumaling si Lyle sa kaibigan, umaasang makahahanap pa ng pag-asang makahinga ng maluwang. Pasimpleng humihingi ng tulong ngunit nginisian lang siya nito, tila ba sinasabihan siyang huwag hayaan ang oportunidad na lumipas. "Na-curious ako, e." Dinala ni Ridge ang libreng kamay sa mukha upang takpan ang bibig nang humikap. "Akala ko, love letter. Corgi, kailangan mo rin ng active listening. Sabi ko pa lang na gusto ko i-try 'yong lifting exercise."

Bumuntong hininga si Keegan. "Mukha mo love letter. May nagbigay lang ng numero kay Lyle! Ngayon, 'di niya naman mapanindigan at ipinapasa niya sa 'kin!"

Dahil nakikita pa rin ni Lyle ang itsura ni Ridge, nasaksihan niya ang panlalaki ng mga mata nito at ang bahagyang pag-awang ng mga labi ng binata. Hinarap siya ng binata at sa hindi malamang dahilan, tila ba medyo nataranta ito. "Huh? Ba't mo naman ipapamigay?"

Ang reaksyon ni Ridge, sinang-ayunan kaagad ni Keegan, ngunit nag-iba ang usapan noong mga oras na ilatag na ng binata ang dahilan. Baka raw kasi mamaya, dahil sa ugali ni Keegan, matakot lang iyong may-ari ng numero. Idinagdag din nito na wala nang pag-asa si Keegan na magkaroon ng girlfriend, dahilan upang magalit ang isa.

Hindi nagtagal, nagpaalam ito na mauuna na. Itinanong pa ni Keegan ang tungkol sa weights na tinutukoy nito pero nasa ibaba na raw si Zamiel, pinangakuan niya raw ng lunch kaya sa susunod nalang daw.

Doon napaisip si Lyle at napagtanto na imposible nga talagang magtagal ang binata na kasama nila. Sayang lang dahil hindi man lang siya nagkaroon ng tsansang makapagsalita.

Habang paalis si Ridge, bigla itong tumigil mula sa paglakad para lingunin siya. "Lyle, 'wag mo nang ipamigay 'yan. Isipin mo, kung sakaling magkaproblema ka at wala kang maasahan na makausap, pupwede mong kausapin kung sinuman ang may-ari ng mga numerong nandiyan. Think about it, the situation might be to your advantage."

Tumikhim ito at hinila ang kwelyo ng suot na t-shirt. Animo'y nasasakal kahit mukhang hindi naman. Inayos din nito ang pagkakasukbit ng dalang backpack.

Namamaos na ang boses nito nang muling magsalita. "And it does not hurt to meet new people every now and then. Take that opportunity to meet new people."

Napaisip si Lyle tungkol sa sinabi ni Ridge, pero kinonsidera niya rin ang magiging emosyon ng may-ari ng mga numero sa papel. Kung kaya naman kahit lumipas ang buong araw at magdamag, hindi naman siya nag-abalang magtipa ng mensahe. Nawiwirduhan man, pinalampas niya nalang ang nais ipahiwatig ni Ridge.

Panibagong araw na naman. Kahit tirik na ang araw at wala pang laman ang tiyan niya, mabilis pa sa ala singko na tinahak ni Lyle ang pinakamalapit na bookstore sa building ng Primivère.

May bagong labas kasing magazine ang Style Tale at bukod sa si Ridge ang nasa cover, na-interview din ito roon.

Nang mabili ang mag, dumiretso si Lyle sa café na paboritong-paborito niyang tinatambayan tulad ng nakakagawian tuwing lunch. At katulad din ng nakasanayan, wala siyang kasama sa pagkakataong ito sapagkat huli na rin siyang lumabas sa sariling building.

Noong nasa tapat na siya ng pinto ng café, marahan niyang binuksan iyon at tila naestatwa siya nang makita ang isang pamilyar na bulto na siyang ilang araw niya ring hindi nakita.

Nakayuko ito at abalang nagma-mop. Bukod doon, wala rin itong suot na salamin na siyang dahilan upang maguluhan at manibago si Lyle. Ah. Ayaw niyang apron na puriing bagay nito ang suot na kulay tsokolateng apron.

Nang mapansin siya ng binata, nag-angat ito ng tingin at kumurba ang tila mala-anghel na ngiti sa mga labi nito. Hindi nakawala sa mga mata ni Lyle ang bahagyang pagkunot at paniningkit ng mga mata ni Gian, animo'y pilit na kinikilala kung sino ang nasa harapan, ngunit pumapalya.

"Magandang tanghali!" Masiglang bati nito bago ipinilig ang ulo. Malayo sa tipikal nitong mahiyaing pagkilos. "Welcome sa café!"

'Bakit mas approachable siya sa 'kin ngayon?' Takang-taka niyang tanong bago marahang tumango. "Good afternoon din sa 'yo."

Nakita niyang natigilan si Gian ngunit pasimple itong umiling at muli siyang nginitian. Umangat ang isang kilay niya noong tumabi si Gian para bigyan siya ng mas malawak na lugar na daraanan. "Salamat."

Tahimik na nilagpasan ni Lyle si Gian at awtomatikong hinanap ng mga mata niya ang counter. Lumapit siya roon at saka nag-place ng order ngunit madalas na magnakaw ng pagsulyap sa binata. Sa katunayan, nawala na sa isipan niya ang kagalakang mabasa ang bagong magazine na binili dala ng kuryosidad.

Noong iabot sa kanya ang order ng isa sa mga crew, hindi niya naiwasan ang magtanong. Hindi niya gustong makaabala ngunit base sa iniaakto nito, mas malaya ang binata kumpara nitong mga nakaraang araw. May nangyari kaya? Pero... hindi naman talaga sila aktwal na magkakilala, hindi ba? Nagtatanong lang din siya dahil mas sanay siyang nahihiya ang binata sa paligid niya. Ha, pati tuloy siya, nahihiya nang magtanong.

Ipinilig ng crew ang ulo bago kumurba ang isang masuyong ngiti sa mga labi nito. "May kailangan pa po ba kayo?"

"Ah, oo, um." Paano ba niya itatanong ang detalyeng nais malaman?

Nakakahiyang mag-usisa. Huwag na kaya siyang magtanong? Kaya lang, naririto na ang crew mate sa harapan niya. Pinasadahan niya ng mabilis na tingin si Gian na noo'y sinasabayan na ang himig ng jazz na ipinapatugtog sa speaker nila.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Tungkol po ba kay sir Gian?" Biglang basag ng crewmate sa katahimikang namumutawi sa kanila. Hindi niya inaasahan ang sagot nito kaya hindi niya naiwasang magulat.

"Ah!" Masyado ba siyang halata?

Napapitlag siya at muntik mahulog ang tray na pinaglalagyan ng mga in-order. Mabuti na lamang ay nahawakan din ng crewmate ang kabilang dulo ng tray kung kaya napigilan ang posibleng sakuna. "Sorry, curious lang kasi ako," aniya bago inayos ang pagkakahawak sa tray at tumikhim, "madalas kasi, iniiwasan ako ng boss niyo. Nakakapanibagong mas naa-approach niya 'ko ngayon."

Posible kayang may kinalaman na wala itong suot na salamin? Hindi sa ano pero gusto kasi ni Lyle ang pagtrato sa kanya ni Gian ngayon. Bagamat mas natural para sa kanya na nahihiya ito dala ng mga nakaraan nilang interaksyon, kuryoso si Lyle sa binata.

"Ah, mukhang ngayon lang po ganyan si sir Gian. Nabasag po kasi kanina 'yong salamin niya. Naapakan ng isa sa 'min at ang alam ko, wala ga'nong makita si sir ngayon kaya mas malaya siyang nakikipag-usap sa mga customer," paliwanag ng kausap niya.

Nahigit siya mula sa pag-iisip nang marinig ang paliwanag. Tama pala iyong hinala niya na dala ng malabong mata ni Gian at kawalan ng suot na salamin kaya mas malakas ang loob nitong makipag-usap! Nagpasalamat siya sa crew saka nagpaalam na uupo na nang sa ganoon, hindi na ito maabala pa sa trabaho.

Ngunit noong mga oras na papunta si Lyle sa napiling pwesto, hindi niya talaga maiwasang sulyapan si Gian na abala pa ring nagma-mop ng sahig. Ganoon siya hanggang sa makuhang pumirme sa kinauupuan at magsimulang kumain! Ni wala na rin sa magazine ni Ridge ang atensyon niya!

Habang abalang inoobserbahan si Gian, muling bumisita sa isipan niya ang sinabi ni Ridge-na i-expand pa ang social circle niya tuwing mayroong oportunidad. Hindi niya alam kung bakit ngayon niya iyon naalala. Napaka-random. "Hello!"

Napapitlag si Lyle nang marinig ang boses ni Gian sa tabi niya. May dala pa rin itong mop at mukhang napadaan lang ngunit tumigil sa harap niya upang... kausapin siya? Nag-angat siya ng tingin para ngitian si Gian Nang magtama ang mga mata nila, muntik siyang malunod sa kakatitig sa mga mata nito.

Sino bang makapagsasabi na ang gaganda ng mga iyon? Tila kristal na ang sarap titigan nalang.

"Hello," mahinang bati niya kay Gian nang mahimasmasan.

Muling kumunot ang noo ng binata at bahagyang naningkit ang mga mata. Mukhang pilit talaga siyang kinikilala ngunit pumapalya. Kung pupwede nga lang ay yumuko pa ito upang makilala siya pero lumayo si Lyle, ayaw matapos ang maayos na pakikitungo nito sa kanya.

Kalauna'y ngumiti ang binata. "Kumusta ka? Nag-eenjoy ka ba rito?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.