Chapter CHAPTER 28.1
JUST as what Ridge promised him, he really made time for Lyle. Hindi niya iyon inaasahan dahil alam niyang abala si Ridge. Pero ang ayon sa binata, wala itong gagawin ngayon. Tinatamad din daw siyang bisitahin si Zamiel sa trabaho at nagsabi naman daw siya na importante ang pag-uusapan nila.
He nearly choked at the "important conversation" term. Hindi naman talaga importante para kay Ridge na marinig ang gusto niyang sabihin. Kung tutuusin, pupwede nitong ipagsakibit balikat ang maririnig mula sa kanya. Natutuwa lang siya na bininyayahan siya nito ng kakarampot na oras at atensyon.
"So... what are we gonna talk about?" Tanong ni Ridge habang tinitignan ang menu ng korean restaurant na kinaroroonan nila.
Nahirapang lumunok si Lyle nang maramdaman ang pagbara ng laway sa lalamunan niya. But in the long run, he still managed to choke out some words to reply.
"I... don't want to surprise you. Pupwede ba na mag-order muna tayo?"
Napangisi si Ridge bagamat hindi nag-angat ng tingin sa kanya. "I don't really like running in circles. I rather have you beat the bush but sure. Mukhang naghahanda ka pa, e."
Ah, please. Huwag naman nitong ipamukha na may ideya na ito kung bakit niya ito inanyayahan dito. Saka na... wala pa rin siyang lakas ng loob na magsabi dahil hindi niya na alam kung saan pa kukuha ng lakas ng loob na umamin kung sakali.
Lyle is usually overflowing with confidence and chill. Pero dahil mararanasan niya ngayon ang umamin kay Ridge, mukhang inabandona siya ng lakas ng loob at kahinahunan. Hinayaang maging kabadong basura, ganon.
Pero tulad ng suhestiyon niya, nag-order muna sila ng makakain. Surprisingly, Ridge went for dduk ramhyun, bossam, dolsot bibimbap, and donkas. These foods seemed plenty for a body type that ranges between lean and slim. Mauubos ba ito ni Ridge?
Meanwhile, Lyle went for Donkas Jungsik and Jeyuk Bokkeum. Just those two. Tapos ang inumin, nanghingi na sila ng soju dahil minsan lang naman daw sila magsama ayon kay Ridge. He asked because it might affect his work, may trabaho pa kasi ito pagkatapos pero ipinagsakibit balikat lamang ng binata ang next appointment nito.
"So... we can talk now, right?" Tanong nito bago nilagok ang inumin.
Napatango naman siya. "Yes, I think. 'Di ko pa na-organize sa isip ko kung anong sasabihin ko pero..."
"Ayos lang 'yan," agap sa kanya ni Ridge bago bumuntong hininga, "ganyan naman talaga kung importante sa 'yo iyong sasabihin mo. Mahirap sabihin."
"Alam mo na ba?" Nag-aalangan niyang tanong, "may ideya ka na ba kung anong sasabihin ko sa 'yo?"
Dahil hindi lingid sa kaalaman ni Ridge na mabilis itong maka-pick up sa mga bagay-bagay. No one would dare call him assuming, though, because he is not. Apparently, the male just... really likes analizing people to a certain extent. Ganoon ang pagkakakilala niya rito at ganoon din ito idinescribe ni Gian noong unang beses silang namasyal sa SM.
"Di ko sasabihin," natatawa nitong sagot nang makita ang kaba sa mga mata niya, "take your time though. Nag-order ako ng marami para tumagal tayo rito. Saka para maihanda mo na ang sarili mo. By the way, how have you been?" Napangiwi siya at mabilis na pinasadahan ng tingin ang mga pagkaing in-order nito. Halos mapuno at hindi magkasya sa lamesa nila lahat ng iyon. At ito pala ang plano ni Ridge! Ah, sisiguruhin niyang hahatian niya ito mamaya sa pagbabayad. O kung maaari, siya na ang bahala na magbayad!
"I've been okay," Lyle trailed off before lifting his eyes to find Ridge's, "my business is still blooming but so far, we're doing great."
"We? Ah. Iyong mga nagtatrabaho rin sa 'yo." Madrama itong bumuntong hininga bago ipinahinga ang noo sa likod ng palad. "Muntik kong isipin na may iba ka pang tinutukoy."
"Iba pang tinutukoy?"
Ridge bursted out laughing when he realized how puzzled Lyle was. Saka nito ipinaliwanag na si Gian ang iniisip nito sa "we." Agad tuloy namula ang mga pisngi niya at napaupo ng tuwid habang kumakain. Hindi rin nabura ang ngisi sa mga labi ni Ridge.
Marami pa silang pinag-usapan na dalawa tulad nalang ng lumalago pa ring career ni Ridge sa pagmomodelo ngunit nagsabi rin ito na baka tumigil din ito kalaunan.
"Pero bakit naman? Sayang iyong pangalang iiwanan mo sa industriya ng pagmomodelo, Ridge."
Sinang-ayunan naman siya ng binata. "'Di ko rin naman itatanggi na nakakapanghinayang nga talaga. Kaya lang, hindi rin panghabang buhay na trabaho ang pagiging modelo. Puhunan namin dito iyong itsura namin, Lyle. At habang tumatanda kami, nababawasan din ang bilang ng oportunidad na matatanggap namin."
Iyon lang ang downside ng pagmomodelo. Nagbaba ng tingin si Ridge sa mga hindi pa nila nagalaw na pagkain. Namili rin siya ng kukuhanan ng karne hanggang sa nag-decide na kumuha ng iilang piraso ng pork cutlet ni Ridge. "Kaya ba... tumigil ka sa pag-aaral noong kolehiyo tayo? Dahil ikaw mismo, alam na marami kang matatanggap na oportunidad kung habang bata ka pa, naroon ka na?" Tumango si Ridge. "Di ko pinagsisisihan na ipinagpalit ko 'yong diploma ko para sa propesyong 'to, eskeyel."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"A-alam ko naman." Bahagya siyang natawa ginamit talaga nito iyong nalumang 'skl' na termino. "Pero ano palang balak mo kung sakaling titigil ka na sa pagmo-modelo?"
Nagkibit balikat ang binata. "Magpatayo ng business? 'Di malayo dahil malaki-laki na rin ang naipon ko. Balak ko rin na mag-aral ulit anumang oras. Ibabalanse ko nalang ang pag-aaral at trabaho. Tatlong taon lang naman ang kailangan ko dahil mag-iirreg ako."
If anything, this is probably one thing that Lyle admired from Ridge. Mula noon hanggang ngayon, alam nito palagi ang gagawin sa hinaharap. Ridge has it all planned and stretched out. Hindi mahirap para sa binata na abutin ang lahat ng gusto... hindi rin totoong tamad ito.
But Ridge does like showing and acting as though he is lazy as hell, while Lyle believes that it was just a facade.
"E, paano pala iyong pagpapakasal ninyo ni Zamiel? Ang tagal na ng relasyon ninyo. 'Di niyo pa ba napag-uusapan?"
Napansin niya ang pagtigil ni Ridge nang magtanong ito tungkol sa kasal. Natigil din ito sa pagnguya kaya kaagad na kumunot ang noo niya nang mapansin na tila kakaiba ang ganitong reaksyon. Ngunit hindi nagtagal, tumikhim si Ridge at pinasadahan siya ng tingin.
"Di ko alam. Ayaw ko pa ring isipin. Gusto kong mag-focus muna kami sa mga propesyon namin," sagot nito bago ipinilig ang ulo saka ngumiti, "matagal pa siguro. O baka hindi na. Depende rin sa balak naming dalawa. 'Di naman namin kailangang magpakasal para lang patunayan na 'mahal' namin ang isa't isa."
Lalong lumalim ang pagkakakunot sa noo ni Lyle nang mapansin ang biglaang pagdaldal ni Ridge. May bahid din ng pagkasarkastiko ang boses nito. Tila ba may hinanakit sa sarili nitong kasintahan. "Ayos... lang ba kayo ni Zamiel?"
Mabilis na tumango si Ridge. "Yes, we're okay. I'm just saying na 'di naman kailangang may basbas ng gobyerno ang kasal namin."
There was a sudden moment of silence when Ridge began to sound defensive. Noong mapansin nila iyon, iniba ni Ridge ang usapan at ibinalik sa orihinal nitong direksyon. "Moreover, this isn't just what we are supposed to talk about, right?" Ridge asked.
Nag-aalangang tumango si Lyle. Pinasadahan din niya ng mabilis na tingin ang orasang pambisig bago tumikhim. Oo nga, kalahating oras na sila rito pero kanina pa rin niya pinapaikot ang usapan. Tila ba umiiwas sa pinaka ideya kung bakit niya niyaya si Ridge na makipag-usap sa kanya ngayon.
"Do you need more time?" Dagdag nito.
Nginitian niya si Ridge na noon ay mukhang nag-aalala rin para sa kanya. Doon. Doon namutawi ang katahimikan nang hindi niya diretsong sinagot gamit ang mga salita ang tanong ng binata. Mabilis siyang binalikan at muling nilukuban ng takot at kaba. Kaunti nalang, gugustuhin na naman niyang lunukin ang dila.
But then... he remembered what he told Keegan. Bagamat hindi naman ito requirement at hindi naman niya kailangang gawin kaagad, nagkaroon siya ng drive na gawin ang sinabi niya sa binata noong makausap niya si Gian kanina. He did not text him, he called him. Personal siyang nagpaalam dito na para bang mayroon nang sila. Hindi nga makakalimutan ni Lyle ang pagkawindang sa boses ni Gian nang magsabi siya na kasama niya si Ridge. Lalo na noong sabihin niya na dadaan pa rin siya sa café nito bago bumalik sa trabaho.
He did notice something while Gian let out a hesitant "sure," but he decided to shrug it off for the mean time. Babawi naman siya sa binata.
Mahirap man, nilunok ni Lyle ang namumuong umbok sa lalamunan niya. He also closed his eyes before taking a deep breath and finally uttering the words he always wanted Ridge to know... back when his heart only screamed and desired Ridge. "Mahal kita, Ridge..."
When he finally said those three words, silence ensued again and both of them can only here the chattering from other tables near them. Hindi naman sila ang pinag-uusapan at nakatulong din iyon para kahit papaano ay patayin ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa.
Nang magmulat siya ng mata, napasinghap siya nang mayroong malungkot na ngiti sa mga labi ni Ridge.
"You do know that I'm head over heels for Zamiel and..."
Binalak niyang agapan ang binata dahil oo! Hindi man ito magsabi at hindi man nito malaman ang nararamdaman niya, alam niyang si Zamiel at si Zamiel lang ang pipiliin nito. Kahapon, ngayon, bukas! Hanggang sa matapos ang libro ng kwento nilang dalawa, si Zamiel lang ang pipiliin at pipiliin ni Ridge.
But then, even before Lyle could cut him off, Ridge immediately added something which made him pause.
"... you know for yourself that you've fallen hard for Gian, right?"