Chapter CHAPTER 19.1
NAMAMANGHANG pinagmamasdan ni Lyle ngayon si Gian. Halos mahulog ang panga niya habang napapakurap-kurap siya. Palibhasa, hindi makapaniwalang inaaya siya nitong mamasyal sa darating na Sabado. Para siyang inaaya nito ng date! Pero hindi siya pwedeng pumunta sa direksyong iyon. Walang malisya ang pag-aaya nitong lumabas sa Sabado, ayos ba.
"Libre ba 'ko sa... Sabado?"
Gian flinched from his seat as his cheeks flared. He had his eyes fixated onto broken concrete where they stand, never had it met Lyle's gaze ever since he showed those tickets to him.
"O kahit kailan ka libre, Lyle! Mamamasyal lang naman tayo kasi, kasi may ibinigay sa 'kin si Leon na tickets. 'Di na raw niya magagamit. May nangyari yata sa kanila ng girlfriend niya," paliwanag nito.
Nakatulalang pinagmamasdan ni Lyle si Gian habang nagpapalipat-lipat ang tingin ng binata sa kanya at sa mga tickets na hawak nito. Naniningkit ang mga mata at pinilit niyang basahin ang mga letrang nakasulat sa tickets na iyon, saka niya napagtantong mga tickets iyon para sa Skyranch. Nakaramdam siya ng panghihinayang nang mag-replay sa utak niya ang dahilan kung bakit iyon na kay Gian ngayon.
But he cannot help it but to wonder why is he seeing an opportunity in this?
He feels bad for Gian's friend, though. At the same time, it is not like he has been to Skyranch all his life. Nakakahiya man pero ni minsan, hindi siya pumunta roon dahil sa isiping nakakapanghinayang ang perang magagastos. Isa pa, wala naman siyang dadalhin sa amusement park. Wala ni isa sa mga ex niya ang inaya siyang mamasyal doon dahil para sa kanila, pipitsuging dating spot na ang amusement park. Gasgas na raw at cliche. Palibhasa, madalas daw nafi-feature sa mga palabas sa telibisyon. Takbuhan daw ng mga baguhan.
But to be honest, Lyle would rather have those "cheesy" dates than having fancy dinners where people just spend money without learning how to appreciate each other's presence.
And this must be the reason why it really took him aback when an invitation from Gian happened.
But then again, Gian just wanted to hang out. It is not like this will be a date. Lyle cannot see anything wrong with the idea. Kaya naman hindi nagtagal, tumango si Lyle, dahilan para ngumiti ng malapad ang kaibigan. "Magsabi ka na lang kung kailan ka pwede, a? I can adjust my schedule," Masayang anito bago itinagong muli ang mga ticket sa wallet nito.
Kumunot ang noo niya kahit na may ngiti pa rin na naglalaro sa mga labi. "Kala ko ba inaaya mo ako sa Sabado?"
"Baka kasi bigla kang magka-emergency at ayaw ko namang makaabala. Kaya magsabi ka nalang kung kailan ka pwede."
Napalabi siya. "Wag kang mag-alala, pwede ako sa Sabado. Hm, next week pa naman ako bibisita sa mga store na gustong bilhin ang designs ko from last event."
Katulad ng nakasanayan, bumisita na naman si Lyle sa cafe ni Gian. Wala talagang araw na nagmimintis siyang hindi bumibisita dahil gustung-gusto niyang kinakausap ang binata. Kaya lang, wala siyang balak na manatili ng matagal ngayon dahil may pupuntahan pa siya mamayang hapon at babalikan pa niya ang motor sa sariling building.
Nakaalis na rin siya noon mula sa cafe nang marinig ang boses ni Gian. It turns out that the male chased him. Namangha pa sandali noon si Lyle nang mag-angat ito ng tingin at mapansin ang pamamawis nito, maging ang paghingal. Mukhang nagmamadaling makita siya.
Hanggang sa ipaalala nito sa kanya ang mga ticket na ibinigay pala ni Leon. Ni hindi nga niya inaasahang maaalala pala nito na may itatanong ito ngayong araw bukod sa ibinalik ang CD na ipinahiram niya. Ni wala na rin nga sa isip ni Lyle na may itatanong daw ito, e.
"Sigurado ka ba riyan?' Hindi makapaniwalang tanong ni Gian. "Baka mamaya, makaabala ako sa trabaho mo, Ly. Ayaw ko naman no'n."
Mahina siyang tumawa bago tumango. "Ikaw pa ba? Kailan ka naging abala? Anong oras mo ba gustong magkita at saan? Saka, magko-commute ba tayo?"
"I... I have a car," wala sa sariling sagot ni Gian bago kumurap at nahimasmasan na ng tuluyan mula sa pagkamangha. "Okay lang ba sa 'yo kung gabi na tayo pumunta? May isi-settle rin kasi akong trabaho sa umaga't hapon." Gabi? Nag-iwas ng tingin si Lyle at dumako ang mga mata sa signage ng katapat na tindahan mula sa kinatatayuan nila. Inobserbahan niya muna ang mga kalawang doon maging ang kumukupas na pintura bago siya napaisip kung pupwede ba siya ng gabi.
Well, it's not like he's still a child. It's not like his parents still forbid him of night dating. Natigilan si Lyle nang mabanggit sa isipan ang "night dating", agad siyang pinang-initan ng mga pisngi at ibinalik ang mga mata kay Gian na naghihintay pa rin ng sagot niya. In-adjust lang nito sandali ang suot na salamin bago ipinilig ang ulo nang mapansin ang gulat sa mukha niya.
'Cut it out, Lyle! He's not asking you out for a date! He just wanted to hang out and not waste the tickets he received from a friend!'
"Ayos lang sa 'kin ang gabi." Ilang beses pa muna siyang huminga ng malalim bago tuluyang naikalma ang sarili. "Saan mo 'ko susunduin?"
Nakagat ni Gian ang pang-ibabang labi bago ito napaisip. "Um... tagasaan ka ba?"
"Susunduin mo 'ko? 'Di ba taga-Dau ka lang naman? Pwede naman akong pumunta nalang sa inyo-"
Bago pa man niya matapos ang sinasabi, naagapan na siya ni Gian mula sa pagsasalita. Ikinaway nito ang mga kamay na tila ba pinipigilan siyang ituloy ang mga susunod na lalabas sa bibig. "Hindi, hindi! Ayos lang. Ako rin naman ang nag-aya sa 'yo, Lyle!"
Napangiti siya. "Sayang naman 'yong gas kung dadaanan mo pa 'ko. Pwede naman kasing sa pag-uwi mo nalang ako ihatid dahil sigurado akong mahirap na umuwi kung gabi tayo pupunta ron."
"... ayos lang," mahinang sagot nito kalaunan. Mas kalmado at nakangiti na lamang din sa kanya. "'Di naman malayo ang Mabalacat sa 'min. Saka, mga bandang alasingko naman kita susunduin kaya 'di na gaanong traffic non." Napahimig siya. "Kung sigurado ka, edi sige? Iti-text ko nalang sa 'yo ang address ko. Oo nga pala, 'wag ka nang magdala ng kung anu-ano pagsundo mo sa 'kin, a. Baka pagkamalan ka ng mga magulang ko na bagong manliligaw." Napahalakhak siya nang mamula ang mga pisngi ni Gian. Mas mapula nga lang noon ang mga tenga ng binata. Ang cute talaga nito sa tuwing natataranta! Moreover, he also noticed the suspicious glances they received when he mentioned the M word. Hindi rin naman siya nagtataka dahil mukhang tutol ang mga ito sa ganoong klase ng relasyon.
Pero wala siyang pakialam sa mga mapanghusgang tingin na natatanggap nila. Sanay na siya at mukhang hindi rin naman pinapansin ni Gian ang mga ito. Hindi kasi naalis sa kanya ang mga mata ng binata.
"H-huh, balak ko pa namang magdala ng tiramisu sa bahay niyo dahil nakakahiyang hiramin ka ng walang dala."
"Ah, kung 'yan lang, ayos lang. Ang sinasabi ko, baka bigla kang magdala ng mga bulaklak sa bahay."
Ipinilig ni Gian ang ulo. Para itong bata dahil kunot ang noo nito at para siyang may nasabi na hindi nito maintindihan. Hindi niya rin alam pero sa likod ng ulo niya, naisip niyang maghanda dahil may masabi itong katuwa-tuwa. "Pwede rin? Marami kaming halaman sa bahay kasi mahilig magtanim si Mama. Gusto niyo ba ng mga orchids? Kasi marami si Mama non. Ah, oo nga pala, ba't naman pagkakamalang manliligaw kung magdadala ng orchid-" Hindi na natuloy ang sinasabi ni Gian nang hindi rin napigilan ni Lyle ang humagalpak ng tawa. This is certainly not what he meant but the other male took it the other way! Albeit he is suspicious if Gian is just playing naive, he cannot help it but to be amused. Halos masapo niya ang tiyan dahilan upang mas makapukaw sila ng mas maraming atensyon. Samantala, napapatulalang napatitig sa kanya ang binata. Walang clue kung bakit bigla nalang siya bumulahaw sa pagtawa. "May nasabi ba 'kong mali?" Gian asked cluelessly.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Mas lalo tuloy siyang natawa dahil sa karagdagan nitong tanong. Dahil hindi na kinakaya, napahawak siya sa balikat ni Gian upang suportahan ang sarili. Baka kasi bigla siyang matumba sa sobrang pagkaaliw. Hinawakan naman ng binata ang braso niya at umakto ring sasaluhin siya kung sakali man na matumba nga siya ng tuluyan.
"Ly-Lyle... pakiramdam ko talaga, may nasabi akong mali."
Tumango-tango siya sa kabila ng patuloy pa rin na pagtawa. "Meron pero ayos lang 'yon, Gian."
"Huh? Ayos lang ba talaga? Kasi... gusto ko talagang malaman kung ba't pagkakamalang manliligaw ang magdadala ng bulaklak sa inyo. Samantalang orchids lang ang meron kami-Natigilan ang binata at natulala nalang din nang mukhang may napagtanto. Muli tuloy siyang natawa dahil kitang-kita niyang rumehistro rito ang realisasyon. "-oh, you meant... a bouquet of roses."
Aliw siyang humimig. Bakas din ang balak niyang panunudyo sa ngising ikinurba sa mga labi. "Yes, I meant a bouquet of roses. Magdadala ka ba non?"
"Pwede bang magdala ng ganon?"
Nagkatitigan silang dalawa nang ganon ang ibalik sa kanya ni Gian. Bigla ring bumilis ang pintig ng puso niya bago tuluyang napatulala nang unti-unting ngumuso ang kaibigan. Kalaunan, tumikhim ito para ibahin ang usapan. "Joke lang." Mahina itong tumawa pagkatapos, dahilan upang mapanatag siya. "Orchids ang dadalhin ko, baka gusto ng nanay mo. Kasi ano, marami kaming ganon at naghahanap si mama ng mapagbibigyan."
Marahan siyang tumango-tango bago bumitaw kay Gian. Sumunod din naman ito at binitiwan na siya. Tumayo na rin ng maayos kaya muli na namang naging halata ang agwat nila sa height na siyang... hindi naman pinoproblema ni Lyle noon. Ngayon lang?
"Sige... gusto ni mama 'yan. Pero mahilig rin pala si mama mo mag-alaga ng halaman 'no?"
Tumango si Gian. "Tumigil na rin kasi sila na magtrabaho ni papa kaya iyong garden namin ang pinagkakaabalahan niya ngayon. So susunduin kita ng Sabado, ala singko ng hapon?"
Ngumiti siya nang ibalik ni Gian ang usapan sa totoo nitong intensyon noong humabol sa kanya kanina. "Sige. Ala singko ng hapon."