Chapter CHAPTER 1.3
NOONG nakarating na ito sa harapan ng counter, hindi siya kaagad pinansin ng may-ari ng café at mukhang hindi rin nito napansin ang presensya niya. Lalo na at kapansin-pansing nakatuon lamang ang mga mata nito sa binatang katabi ni Lyle.
"Utang 'to, Zach! Nambuburaot ka na naman e," natatawang anito sa katabi niyang binata, "ang lakas mong mangutang, ano! Parang wala kang sariling negosyo!"
Inabot ng katabi niya ang iniaabot nitong strawberry latte, sinimsim din bago ito nagsalita. "Grabe naman! Buraot? Nagbabayad naman ako sa end of shift Nakalimutan ko lang talaga wallet ko sa opisina ko. Gian, mapanghusga!" "Laos na 'yan. Hilig mo kayang mangutang dito."
"Hoy, 'di naman! Slight lang." Nag-peace sign ang kausap nito. "Inaano ka ba? Mahalaga, nagbabayad ako!"
"Di ka naman nagbabayad, e. Binuburaot mo. Saka may restaurant ka naman pero nangungutang ka sa café ko?"
"Pre, 'di mo gets! Mas masarap kumain 'pag 'di ikaw may-ari noong resto!" Natatawa nitong ginaya iyong emoji na meme na 'it really hurts', iyong trending bago ito nagpaalam sa kaibigan. "O siya, diyan lang ako sa stall! Paupo, nakakangawit kang abangan."
"Mangungutang ka nalang, nakuha mo pang magreklamo." Inayos ng binata ang salamin bago malalim na bumuntong hininga. "Sige! May aasikasuhin pa 'ko, e. 'Wag kang magulo riyan, marami akong saging na ibabaril sa 'yo kapag nanggulo ka!"
"Epal ako pero 'di naman ako epal 'pag work hours!"
Napapangiwing pinanood at nakinig si Lyle sa usapan ng dalawa. Ipinilig niya rin ang ulo para bumuntong hininga sa isipan. Hindi naman siya nagrereklamo na magtsismisan ang dalawang ito sa harap niya pero...
Nakakatawa ang usapan ng mga ito.
"Pasensya na po!" Paghingi nito ng paumanhin dahil yata sa pag-uusap nila ng kaibigan nito. "Hindi namin sinasadyang mag-usap ng matagal. Ano pong order niyo-"
Tila tinangay ng hangin ang sinasabi nito nang maipihit ang katawan paharap sa kanya at magtama ang mga mata nila. Doon lang rumehistro kay Lyle kung gaano ba kagwapo ang binatang kaharap niya at maging siya, nahigit ang hininga. Ngayon niya talaga naintindihan kung bakit parang kumikinang ang background ng binata. Iyon e dahil para itong anghel na ibinaba lamang sandali ni Lord para ipahiram sa tao.
Saka, hindi sila magka-height. Hindi nga nalalayo ang height nito kay Kaleb, e.
At isang pahabol na tanong-medyo one million dollar question-hindi ba ito model? Masyadong itong gwapo! Katunayan, kung model scout lang siya, ito ang una niya na inayang maging modelo! Mabilis lang naman siyang napaisip. Nabawi niya rin ang tindig at saka siya tumikhim para masuyong ngitian ang binata.
"Ayos lang."
Tipid siyang tumango. Hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi, hanggang sa mabilis niya ulit na pinasadahan ang menu bago sinabi ang order.
"Mocha affogato at coffee frappe for drinks, tapos smoked fish cakes at peri-peri chicken burger for food. Dine in pareho."
Nang ibalik niya ang paningin sa binata, roon palang niya napagtantong para itong naestatwa nang magsalita siya. Mapupula rin ang mga pisngi nito na kanina, tila tinakasan ng kulay. Napansin niya rin ang bahagyang panguya nito sa pang- ibabang labi.
Napano siya?
"Um, ayos ka lang ba?" Because Lyle is certain that something is going on.
GIAN's mind... is in chaos. Katatapos lang nila na mag-usap ni Zachariel at hindi niya maitatanggi ang aliw sa kalokohang pinagsasasabi nila. At mula roon, inasahan niyang mabilis at maayos ang magiging takbo ng araw niya sa trabaho. Simpleng pag-assist at guide lang sa mga kasama sa trabaho-pero nagkamali siya.
Lalo na noong mapagtanto niya na ang customer na aasikasuhin niya ay iyong binatang matagal-tagal na rin niyang minamatyagan!
Do not get him wrong. Gian is into women and he does not like Lyle romantically. Sadyang may kung ano lang talagang nakakabighani rito at gusto niyang mapalapit sa binata - syempre, bilang kaibigan!
Kaso, mahiyain siya. At kung mababa ang self-esteem niya, paano pa kaya ang socialization skills niya? Para siyang ang kaibigang si Zamiel, nabobobo pagdating sa new interactions! Samantalang, hindi naman siya nakaharap sa gabundok na mga libro ng sampung taon!
Ito ang dahilan kung bakit naestatwa siya sa harapan ni Lyle.
'Ano ba kasing gagawin ko? Kukunin ko lang naman 'yong order niya, ba't para akong mahihimatay?!' Hindi rin nakatulong sa kanya na dama niya ang mga mata ni Zachariel na nakatuon sa kanya. Pakiramdam niya, sinasaksak siya ng mga ito. Noong rumehistro kay Gian ang pag-aalala na sumasalamin mula sa mga mata ni Lyle, roon siya mabilis na nahimasmasan. Pero hindi pa rin siya nakakabawi kung kaya para siyang tangang inabot ang ballpen at maliit na memo kung saan nila isinusulat ang order ng mga customer.
"A-ano kasing order mo?" Sinapak niya ang sarili sa loob ng isipan nang mag-utal utal siya. "Pasensya na, 'di ko kasi narinig e."
Hindi kaagad na nakasagot si Lyle nang magdahilan siya. Hindi niya rin alam kung anong itsura nito pero dama pa rin niya ang titig ng binata sa kanya. Bumibilis tuloy lalo ang pagtibok ng puso niya dahil sa kaba.
At bakit parang hirap na hirap siya na magsulat?! Nanginginig ang mga kamay niya at nagpapawis! Parang dudulas iyong hawak niyang ballpen mula sa mga kamay niya. E hindi naman siya sobrang pasmado! "Peri-peri chicken burger." Halos mahilo si Gian habang isinusulat iyong naaalala niyang order na sinabi ni Lyle. "Mocha affogato?'
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Mula sa mga gilid ng mata niya, nakita niyang marahang tumango si Lyle sa kabila ng pagtitig nito sa kanya.
'Ah, 'wag mo 'kong titigan ng ganyan! Lalo akong nahihiya at kinakabahan!' Katunayan, paunti-unti rin niyang nararamdaman ang panginginig ng mga tuhod! Pakiramdam niya anumang oras, lulubog na siya rito sa kinatatayuan! "Smoked fish cakes din saka coffee frappe," pag-uulit ni Lyle sa order.
Mabilis namang isinulat ni Gian iyon sa memo, pero marahil dala ng sobrang kaba; dumulas iyong hawak niyang ballpen sa notebook at nag-drawing siya ng mahabang linya!
Natigilan ulit siya at naestatwa mula sa kinakatayuan.
Hanggang sa.... narinig niya ang malakas na pagtawa ni Zachariel mula sa kinauupuan nitong stall hindi kalayuan sa kanya.
"Ano 'yan, Gian?! Ano ba 'yan, bakit ang clumsy mo bigla?!"
Halos hindi na ito makahinga sa katatawa at pinaghahahampas na rin ang lamesa. Ni hindi na rin nito pansin ang pagpukaw nito ng atensyon ng mga customer nila pero siya, pansing pansin niya! 'Gusto kong magtago!'
"Kung umasta ka, parang teenage crush mo 'yang kaharap mo, a!" Dugtong pa nito sa kabila ng hindi nito matigil na pagtawa. "Aliw, pre!"
Marahan niyang nilingon ang binata at kabadong natatawa. Ngunit sa kaloob-looban niya, gusto nalang din niyang magtago at lamunin ng lupa!
'May punto si Zach! Bakit ba 'ko ganito umasta?! Daig ko pa si Zamiel na halos magtae 'pag malapit si Ridge sa kanya, e!' Pagsang-ayon niya sa isipan.
Dahil sa pagtawa ni Zachariel, ang bilis niya ring nakabawi ng tindig. Nawala iyong kaba niya kahit na papaano pero hindi ibig sabihin non, hindi siya nilulukob ng hiya dahil nakikinig pala si Lyle sa kanila. "A-anyway! Nailista ko na!" Medyo messed up dahil sa pagdulas ng ballpen last minute pero nairaos naman niya.
Sa kabila ng pagtawa ni Zachariel, inulit pa rin ni Gian kung ano ang order ni Lyle. In-adjust niya ang suot na salamin at umaktong mas seryoso kaysa sa kung paano niya ito unang hinarap. "Peri-peri chicken burger, mocha affogato, smoked fish cakes, coffee frappe."
Mabilis na ibinalik ni Lyle ang mga mata sa kanya at muli na naman itong ngumiti. Halos mapahawak tuloy si Gian sa dibdib dahil hindi siya magsisinungaling, ang ganda ng mga ngiti ng binata!
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Oo, 'yon na nga." Ipinilig nito ang ulo samantalang si Gian, tumango lang kahit sa loob-loob niya, gusto niyang mag-celebrate na nairaos niya ang pagkuha ng order nito!
Naghahanda na siyang talikuran ito para at ibigay ang order nito sa mga kasama. Tapos, magtatago siya para hindi na siya nito makita pero... kailangan pa niyang sabihin ang animo'y spiel niya. "Ready na 'to within fifteen to twenty minutes, pakihintay nalang sa table niyo." Tapos iniabot nito ang maliit na number standee kay Lyle.
Nang maibigay iyon, doon na sana siya tatakbo saka sisigawan si Zachariel na sumunod nalang sa office niya kung trip nito nang bigla ulit magsalita si Lyle.
"Oo nga pala!" Pukaw nito sa atensyon niya, dahilan para mapapiksi siya at alanganing ibalik ang mga mata rito.
Halos matunaw siya nang mamula ang mga pisngi ni Lyle. Kaunti lang at hindi singhalata ng kanya pero naroon. Hinawakan din nito ang batok bago ikinunot ang noo, ngunit sa kabila noon, may naglalaro pa rin na mga ngiti sa labi nito. "Maraming salamat nga pala sa coffee latte noong minsan," sa wakas, nasabi rin nito.
At doon tuluyang nag-malfunction si Gian. Lalo na noong maramdaman niya ang mapanudyong titig sa kanya ni Zachariel.
"Y-you're welcome!" Nabigla siya nang hindi niya sinasadyang isigaw ang sagot niya.
Pero upang itago ang hiya e mabilis niyang inimporma ang mga kasama ukol sa order ni Lyle. Saka... nagtago tulad ng plano niya.
"La, ano 'yon?!" Namamangha niya na sabi sa sarili nang maisara ang pinto tungo sa locker room ng mga trabahador niya, "a-ako ba talaga 'yong kanina?! Ba't ako nahiya ng gano'n?!"
Sinapo niya ang dibdib at pinapakiramdaman ang mabilis na pagpintig ng puso.
"Oo nga?! Ba't ganito ako mag-react e 'di naman na 'ko high school!" Mas lalo namang hindi niya crush si Lyle!
Lunod na lunod siya sa kaiisip nang biglang may mag-trespass sa locker room nila na hindi imbitadong bisita. Nakalimutan niya kasing sabihan ito na sumunod nalang sa kanya kung trip nito, pero nagkusang loob na rin yata-alam na wala naman nang magagawa si Gian kung sakaling puntahan siya nito.
"Gian!" Malakas at aliw na tawag sa kanya ni Zachariel. Hinanap din siya ng mga mata nito ngunit nang makita siya, mabilis nitong tinakpan ang bibig at tuluyang napahagalpak ng tawa, "anong drama 'yong kanina?! Nag-shoot ba tayo ng sitcom nang 'di ko alam?"
Ano na namang pinagsasasabi nito? Anong sitcom? Mukha ba siyang nagpapatawa kanina? Hindi, ano! Ah, pakiramdam din tuloy niya, kakalat itong pangyayaring ito sa barkada nila-hot topic pa kamo ng ilang araw.