Can I be Him?

Chapter CHAPTER 10.1



HINDI maalala ni Lyle kung kailan ba niya naging kaibigan sa Facebook ang dating captain ng basketball team. Hindi iyong si Zachariel Chastain ang tinutukoy niya, kung hindi iyong captain nila bago naipasa ang posisyon kay Zachariel. Hindi naman sila malapit sa isa't isa noong dati nilang captain, kaya nga nakakapagtakang nang buksan niya ang messenger, naroon ang pangalan nito na siyang ikinagulat niya. Alexander Cruz:

Lyle, uy! Balita ko nasa Pinas kana ulit?

Ilang beses niyang pinasadahan ng tingin ang mensahe nito. Binabasa iyon at baka mamaya, may hidden message, mahirap na. Paulit-ulit din siyang nakikiramdam. Inaalala nga niya kung mayroon ba siyang atraso sa isang ito noon, e. Hindi naman din sa hindi siya marunong magpautang pero malinaw sa isipan niyang isa ito sa mga nakisama sa pangungutya sa kanya. Porket sayang daw ang talento niya sa pagba-basketball dahil sa pag-amin niya tungkol ng sekswalidad. Limang minuto. Ganoon katagal niyang pinag-isipan ng mabuti kung magtitipa ba siya ng mensahe pabalik. Ilang beses siyang nag-alangan, ayaw nang magkaroon pa ng koneksyon sa dati nilang kapitan sa basketball. Ngunit sa huli, hindi niya hinayaang manaig ang itinanim na galit para rito. Mabuti nga at ni-reply-an niya, e. Lalo na at nakumpirma niyang wala naman pala itong masamang balak at nais lamang siyang ayain na maglaro ulit sila ng basketball. Alexander Cruz:

Ito naman, dau lang tayo. Kalaro namin sina Zach. Sali kana

Naningkit ang mga mata ni Lyle habang binabasa ang huli nitong mensahe. Hindi niya na magawang magulat noong ilang beses nitong mabanggit ang pangalan ni Zachariel. Malinaw pa sa isipan niyang sa iisang subdivision lamang namamalagi ang mga ito, ngunit magkaiba na ng street. Habang binabasa niya ang mensahe, bigla na lamang lumitaw sa isipan niya ang dalawang tao-si Ridge at si Gian!

Isang malawak na ngisi ang kumurba sa mga labi niya gayong naiisip na makikita niya ang dalawa. Iyon tuloy ay ang bilis niyang nakapagtipa ng reply, tipo bang wala na rin siyang karapatang mambawi ng sagot dahil baka magalit ang sinabihan.

Me:

Sige, punta ako.

Napangiwi siya nang mapagtantong sa huli ay bumigay siya sa pagpupumilit nito. Nang dahil lamang sa posibilidad na makita sina Ridge at Gian, ang bilis niyang um-oo sa paanyaya ng dating kapitan nila sa basketball, a. Parang hindi makapaniwala si Lyle na sa ganoong klase ng paraan e matatangay siya ng mga salita nito. Kaso ayan na. Nakakahiya naman kung bigla niyang bawiin at baka sabihan pa siyang paasa.

It sounds wrong, too. Ang pumayag dahil umaasa siyang makikita niya sa Sabado si Gian. Normally, he would only attend something if it involves Ridge but recently, he noticed that at some point, the reasons why he often go out expanded. Nadagdag si Gian sa mga dahilan kung bakit gusto niyang lumabas.

Naroon kaya ito? Ang tanong, maglalaro naman kaya? Kahit hindi na, matutuwa pa rin siya basta ba ay pinanonood siya nito. Iyon palang, natutuwa na siya.

"AH, nandito na 'ko sa harap ng court na sinasabi ni Alex pero mukhang nagsimula naman na yata sila," pagkausap niya sa sarili nang mai-parke na ang motor sa tabi ng covered court.

Maingat niyang inalis ang suot na helmet, ayaw na mauntog dahil sa sariling katangahan. Ang mga mata niya, pilit na sumisilip sa looban ng court. Ilang beses siyang tumingkayad at dahil nakaangat ang semento ng court, wala siyang makita na kahit ano. Tanging paglangitngit lang ng mga sapatos ang naririnig niya maging ang okasyonal na pagsigaw ni Zachariel at Alexander.

Aakyat pa ba siya? Pupwede pa namang umatras at umuwi na, hindi ba? Baka wala naman palang naghihintay sa kanya roon.

Kaya lang, naisip niya ring nandito na siya. Ano pa at bigla siyang aatras samantalang nakapagsayang na siya ng gasolina upang makapunta rito? Isa pa, hindi ba umaasa siyang makita at makalaro si Gian at Ridge kung sakali?

Ang mga isiping iyan ang nagtulak sa kanya upang umakyat na sa covered court. Wala pa man siya sa loob, naaaninag na niya ang tumatakbong pigura ng mga manlalaro. Sa mabilis na sandali, bigla niyang na-miss ang buhay basketbolista. Ang malayang pagtakbo sa court at pag-dribble ng bola.

Bago pa man tuluyang makaapak sa loob ng court si Lyle, natigilan siya noong bigla niyang mahagip ang pigura ni Gian. Ang bilis ng binata, halos hindi niya mahuli sa mga mata noong dumaan ito sa harap niya habang hawak ang bola patungo sa sarili nilang net. Bahagya siyang natulala bago namilog ang mga mata nang matantong ang liksing kumilos ni Gian! Marahil dala rin ng nakapokus ito sa laro, hindi siya nito nabigyang pansin.

Ayaw din naman niyang istorbohin ang isa at bigla na lamang pukawin ang atensyon nito dahil gusto niya itong puriin. Kung kaya naman, inabala niya ang sarili sa pag-oobserba sa mabilis at matulin nitong pagkilos. Dala-dala ang bola, animo'y dinaig nito ang hangin nang magtungo sa ring nang maka-score ng punto.

Hanggang sa mai-shoot na nito ang bola, nanatiling nakatayo si Lyle sa bukana ng court. Tanging ulo lang ang naipihit upang masundan ang noo'y naglalarong si Gian.

Namamangha pa rin siya hanggang sa mga oras na ito. Malayo. Malayong-malayo sa Gian na kinikita niya sa café ang Gian na ngayon ay nakikita niya iyong manlalaro. Parang magkaibang tao ang dalawa, halos hindi niya makilala ang binata. Lalo na noong sa wakas ay tumapak na ito sa lupa matapos i-dunk ang bola at suklayin ang buhok gamit ang sariling mga daliri?

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

He had second thoughts if this was the same Gian. Ang hot nitong tignan at kung ikukumpara sa imahe nitong madalas niyang nakikita, mas lalaki itong tignan ngayon. Tila kalkulado ang bawat galaw at tigasin. Halos lunurin na ni Lyle ang sarili kaiisip, ngunit kasabay noon ay ang realisasyong hindi niya pa pala lubusang kilala ang binata. Tulad na lamang ngayon. Manghang-mangha siya sa isa sa mga personalidad ni Gian na nakita niya.

"Ah, dumating na pala si Lyle."

Napasinghap siya sa gulat at naestatwa sa kinatatayuan nang marinig ang isang pamilyar na boses. Tulad ng dati, para itong palaging inaantok at anumang oras ay bibigay sa pagtulog. Tila palaging nanghihina at tinatakasan ng enerhiya. Marahan siyang bumaling sa pinanggalingan ng boses, iginala niya pa ang mga mata hanggang sa wakas e matagpuan niya ang mga pigura nina Ridge at Zamiel sa isang sulok. Parehong nagmimiryenda at nanonood lang ng laro. Nakaupo ang dalawa sa bench at mukhang walang balak na mag-aksaya ng enerhiya sa paglalaro. Mukhang kanina pa nga aliw ang dalawa dahil sila yata ang naririnig niyang tahimik na nagpupustahan sa likuran niya. Hindi niya na nabanggit kanina dahil ninakaw ni Gian ang buong atensyon niya.

Hindi niya rin nakalimutang pasadahan ng tingin si Zamiel ngunit mas abala ito sa paglagok ng tubig mula sa bote ng mineral water na hawak kaysa sa pansinin siya at batiin. Mukhang masama pa rin ang loob sa kanya ng binata, nahihiya tuloy siya.

"Ridge," aniya matapos ibalik ang mga mata sa binata, "nandito ka pala, ba't nasa bench ka?"

"Huh?"

Umangat ang mga kilay nito bago sumubo ng fudgee bar. Hindi makapaniwalang sa lahat ng ideyang papasok sa isip niya, iyon pa talagang maglalaro si Ridge ang naisip niyang sabihin. Kumapit ito kay Zamiel, siyang dahilan para mabilis na umiwas ng tingin si Lyle para maiwasan ang paglukob ng sakit sa dibdib niya. Samantala, nang dahil sa ginawa ni Ridge, halos matapon naman ang iniinuman ni Zamiel. Iyon tuloy ay tinapunan nito ng masamang tingin ang kasintahan sa kabila ng pananatiling tikom ang bibig.

"Ako? Maglalaro?" Mahina itong tumawa at itinuro ang kasintahan. "Kung si Zamiel pa, pwede e. Kaso ako? Mahihimatay ako sa init, Lyle."

Naiiritang sumagitsit si Zamiel. "Ayun nga, dapat maglalaro ako. But your spoiled ass won't allow me to and fuck you for that."

"Huh, ayaw mo bang manood na kasama ko?" Takang tanong ni Ridge. May bahid na ng pagtatampo kaya muling naitikom ni Zamiel ang bibig bago ito inirapan, "ano na Zamiel, gusto mo bang maglaro?"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Hindi na, punyeta!"

Nakangiwi niyang ibinalik ang mga mata sa magkasintahan at naabutan silang nagtatalo na naman. Halos umabot na sa tenga ang ngisi ni Ridge habang ang isa, mahihiya na lamang si Leonardo da Vinci na ipinta ang mukha sapagkat lukot na ang mukha. Noong oras na makuntento na sa pang-aasar kay Zamiel, muling bumaling sa kanya si Ridge.

"Nabanggit sa 'min ni Zach na inimbita ka raw. Kanina ka pa nila hinihintay, e."

Oh, shit. Ayan na naman. Nakaramdam na naman ng labis na pagkapahiya si Lyle. Kanina pa pala siya hinahanap. Ang akala niya nga, hindi siya importante dahil huli siyang chinat ni Alexander noong paalis na siya sa bahay. Ni hindi nga siya nito na-reply-an nang magsabing naririto na, iyon pala e nagsimula na silang maglaro. Kung sa bagay, huli na siyang dumating. Pero sa totoo lang, sinadya niya dahil ilang beses din siyang nagdalawang isip.

Hindi niya maipaliwanag ngunit sa gitna ng pananahimik niya, may kung anong pwersa ang humihila sa kanyang bumaling kay Zamiel. Nang hanapin ng mga mata niya ang pigura nito, kaagad niya iyong pinagsisihan sapagkat nang magtama ang mga mata nila, parang balak na siya nitong burahin sa mundo. Kaya naman dali-dali siyang bumaling ulit kay Ridge.

Hinila niya rin ang dulo ng kwelyo, medyo umaasang mapaluluwang niya iyon nang makahinga siya ng maayos kahit na hindi naman sagabal ang kwelyo ng suot niyang t-shirt.

"Inaya ako ni kuya Alex dito. Dapat nga, tatanggihan ko e."

Ipinilig ni Ridge ang ulo. "Pero mabuti't pumunta ka. Hanap ka ni Gian, e."

"Ha?" Hanap daw siya ni Gian!

Nagpalipat-lipat ang mga mata niya mula sa kisame ng covered court at sa maliit na batong malapit sa kanya. Nangangapa ng mga salitang mainam na isagot sa sinabi ni Ridge dahil pakiramdam niya, bigla siyang tinakasan ng mga salitang maaaring gamitin bilang pansagot!

Hinahanap daw siya ni Gian e ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit siya pumayag na pumunta rito! Hindi niya alam kung anong mararamdaman!

Bago pa man niya tuluyang mailapat ang daliri sa mga salitang nais na isaboses, napukaw ang mga atensyon nila noong marinig nila ang pag-alingawngaw ng boses ni Alexander matapos nilang maglaro.

"Uy, Lyle! Mabuti naman dumating ka!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.