Chapter Kabanata 95
Habang nahihirapang humakbang, tumalikod siya para umalis at bigla niyang narinig ang boses ni Jeremy mula sa likod.
"Isang babae ang nagbigay ng dugo sa anak ko? Sino?"
"Huh? Oh, ayun oh."
Nang marinig ang tugon ng nars, nagtago si Madeline sa emergency exit.
Natatakot siya na baka mandiri si Jeremy kapag nalaman niya na dugo niya iyon, pero dapat mauna ang kaligtasan no Jackson.
Nagtago sa sulok si Madeline, habang nakatikom ang panga at nakayuko nang makita niyang dumaan ang anino ni Jeremy sa harapan niya.
Sumakit ang buong katawan niya at nilamig siya dahil sa pagsasalin niya ng dugo. Pagbaluktot niya sa sulok, pinanood niyang umalis at maglaho ang anino ni Jeremy sa kanyang paningin, nang mawawala na ang malay ni Madeline. Kinabukasan na nang siya ay magising. Namumulikat ang kanyang binti dahil sa kanyang posisyon nang tumayo siya habang nakakapit sa pader.
Nandoon pa rin ang sakit ng kanyang katawan at humapdi ang sugat sa kanyang noo.
Habang nakakapit siya sa pader bilang suports, nakita niya si Meredith na tumatawag, palapit sa emergency staircase, kung kailan magtatanong na siya tungkol sa kalagayan ni Jackson.
Kaagad na umatras si Madeline, nagtago sa likod ng pinto.
Narinig ang naiinis na tono ni Meredith. "Hmph. May napadaan palang babae at nagbigay ng dugo para dun. Di ko alam kung saan siya nanggaling pero naiinis ako. Dapat hinayaan na niya lang yun mamatay, edi di na maaawa si Jeremy kay Madeline!"
"Sakit sa mata ng batang yun. Dapat namatay na siya noong nakaraang dalawang taon pa! Kaya lang siya buhay kasi nagagamit ko siya."
Nabigla si Madeline sa mga salitang lumabas sa bibig ni Meredith.
Mga salita ba yun ng isang ina?
Anak pa rin niya at ni Jeremy si Jackson. Paano niya nagagawang gamitin ang buhay ng sarili niyang anak para lang kamuhian ni Jeremy si Madeline? Hindi iyon makatao!
Hindi na mapigilan ang apoy ng kanyang galit, lumabas ng pinto si Madeline.
Nang makarinig ng kilos, lumingon si Meredith at nakita si Madeline at kaagad na nagbago ang kanyang ekspresyon. "Bakit ka nandito, Madeline, p*ta ka!"
"Hindi ka makatao Meredith!"
Sa galit, iniangat ni Madeline ang kanyang kamay at sinampal sa pisngi si Meredith.
"Meredith Crawford! Maging ang
mga tigre ay di sasaktan ang kanilang mga anak! Pero ikaw? Di
elnet
mo lamang hiniwa ang pisngi na et
anak mo, hiniling mo pa na
mamatay siya? Paanong nabubuhay samundo ang isang babaeng
kasinsama mo?"
Isang madilim at ubod ng sama na ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Meredith. "P*ta ka! Bakit mo ako sinaktan!"
Pag-angat niya ng kamay niya para
sunggabans Madeline, biglang napatigil si Meredith sa biglang notification sa kanyang cellphone. Pagkabasa niya sa display, malagim at nakakatakot na ngumiti si Meredith.
"Pagbabayarin kita sa pagsampal mo sa akin, Madeline. Gagawin kong impyerno ang buhay mo!"
Nakaramdam si Madeline na may binabalak na naman si Meredith at tama siya. Pinanood niyang guluhin ni Meredith ang kanyang itsura, pagkatapos ay bumagsak sa pasilyo sa labas. "Tulong Jeremy! Iligtas mo ako!"
Bigla siyang humiyaw, nahihiyang maglakad palayo.
Nagsimulang magtipon ang mga tao, ngunit higit sa lahat, sakto din ang dating ni Jeremy.
Nang makitang nasa sahig si Meredith, magulo ang kanyang damit na parang isang takot na usa, kaagad na sumugod si Jeremy para buhatin siya sa kanyang mga kamay.
"Wala na akong iba pang gusto
Jeremy. Gusto ko lang na maging maayos ang anak natin,"
Humagulgol siya, tumulo ang luha at
sipon nang tumingin siya kay Madeline sa takot. "Pakiusap, Madeline. Nagmamakaawa ako. Tantanan mo na ako!"