Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Chapter Kabanata 5



Hindi nila inasahang magpapakita si Madeline para sabihin ang mga bagay na iyon. Nanigas ang tatlong taong nasa kwarto.

Matapos ang ilang segundo, agad na nagbago ang mukha ni Meredith. Ang madalas nitong banayad at kalmadong ekspresyon ay nawala. Sa kabilang banda, nagmukha itong masama, "Madeline, bakit andito ka pa?"

Namumula ang mga mata ni Madeline. Tumawa siya nang pakutya at sinabing, "Hindi ba ito na ang oras para sumama ako sa planong ginagawa niyo?"

Napagtanto ni Meredith kung ano ang nangyari at lumubog ang kanyang mukha. "Sino ka para makinig sa usapan namin!"

Sabi ni Madeline, "Oo, nakinig ako, kung hindi ko narinig ang sinabi mo, hindi ko sana malalaman na ang mabuti ko palang kapatid ay walang hiya, at isang peke!"

"Sino ka para tawagin si Meredith nang ganyan, maldita ka! Naghuhukay ka lang ng sarili mong libingan!" Galit na inangat ni Rose ang kanyang kamay, sasampalin na naman niya sana si Madeline.

"Ma, bakit ba kayo nagagalit sa ignoranteng ito na walang magulang?" Napasinghal si Meredith at saka sumulyap kay Madeline. Kalmado ang itsura nito. "Mahal kong kapatid, para sa relasyon na mayroon tayo, mas magandang pumayag ka nang mag-divorce kayo ni Jeremy. Natatakot akong hindi mo kakayanin ang mga kapalit sakaling hindi ka pumayag."

Hindi na pepekein ni Madeline ang kanilang relasyon na dati niyang pinapakaingatan. Matapos ang lahat, isang malaking pagpapanggap lang naman ito. Tinignan ni Madeline si Meredith, at mas kalmado pa ito kaysa sa kanya. "Kung magmamakaawa ka sa akin ngayon, baka pwede ko pang pag-isipan."

"Ano?" Nagbago ang ekspresyon ni Meredith, at saka niya Tinignan si Madeline na para bang nababaliw na ito.

"Maldita ka, siraulo ka ba?' Napabulalas nang galit si Rose.

Tawa nang tawa si Madeline matapos makita ang mukha ng mag-ina. "Oo, siraulp ako. Kaya, gagawin ko ang lahat para mapunta sa akin si Jeremy pati na rin ang posisyon ng pagiging Mrs. Whitman!" "Madeline, huwag kang maging walang hiya!" Galit na galit si Meredith. "Hindi ko hahayaang makakatakas ka rito!"

"Nakatakas na ako. Ngayon alam ng lahat sa Glendale na ang Mrs. Whitman ay si Madeline Crawford at hindi ikaw."

Pagkatapos sabihin iyan, tumalikod na si Madeline. Iniwan niya si Meredith na nagsisigaw sag alit. Ganoon pa man, hindi siya pinansin ni Madeline.

Matapos umalis ni Madeline sa ospital, nagpunta naman siya sa isa pa na para sa mga babae at bata.

Nag-aalala siya na baka naapektuhan ang bata sa ginawa ni Jeremy kagabi at sa pagkakatumba rin niya kanina.

Maraming tao ang nasa pila at halos lahat sa kanila ay buntis. Kasama rin nila ang kanilang mga asawa at pamilya. Nang makita ang masasayang nilang ngiti, naramdaman ni Madeline na para bang biro lang ang kanyang buhay.

Dala-dala niya ang anak ng lalaking mahal niya, subalit iba ang mahal ng lalaking ito.

Hindi naman ganito ang nangyari sa nakaraan. Dati, hinawakan pa nito ang kanyang kamay at sinabing papakasalan siya nito paglaki nila.

Ngayon, kasal na sila, subalit napilitan lamang ito.

Maayos naman ang bata, at nakahinga nang maluwag si Madeline.

Sunod, umuwi na si Madeline. Nang makapasok na siya sa bahay, narinig niya ang malakas na bagsak ng pinto.

Napalingon siya at nakita niyang nakabalik na rin si Jeremy.

Napakagwapo niya, subalit ang mabigat na dating ng kanyang galit ay nakaguhit sa mga mata niya.

"Kinausap mo na naman ba si Meredith?" Napakalamig ng boses ni Jeremy.

Naisip ni Madeline na sinabi ng ani Meredith ang nangyari. Kaya hand ana sana siya upang magsabi, "Pumunta nga ako roon, pero..."

"Napakasama mo talaga, Madeline!"

Tila ba hinihiwa ng mga galit na pananalita ni Jeremy ang puso ni Madeline ng ilang libong bubog; isang hindi nakikitang sakit ang nagsimulang kumalat sa katawan niya.

Nakatulala lamang siya habang tinitignan ang lalaking ito. Puno ng kalamigan ang kanyang mga mata.

"Sinabihan mo si Meredith na guguluhin mo pa rin ako kahit mamatay ka, at hindi mo siya bibigyan ng pagkakataon na makapasok sa Whitman Family, tama ba?"

Namutla ang mukha ni Madeline. Hindi niya sinabi ang mga ganitong bagay.

Gusto niyang magpaliwanag, subalit kinuha ni Jeremy ang kanyang palapulsuhan at saka siya tinapon sa sofa.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.