Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Chapter Kabanata 14



Tatangayin na sana si Madeline papunta sa istasyon ng pulis. Sa pagkakataong ito, isang eleganteng babae ang naglakad papunta kay Mrs. Langford at bumulong. Agad-agad na nagbago ang mukha ni Mrs. Langford. Tinignan niya si Madeline nang hindi makapaniwala at saka sinabing hindi lamang sila nagkaunawaan.

Hindi alam ni Madeline kung ano ang nangyayari. Nang tignan niya ang mukha ng babae, nakita niyang puno ito ng pandidiri sa kanya.

Hindi mapalagay si Madeline sa tingin nito. Sa pagkakataong iyon, lumapit si Meredith.

"Maddie, iyan ang nanay ni Jeremy. Ayos na ang lahat. Hindi mo na kailangang pumunta sa istasyon, pero kailangan mong mangako na hindi na uulit gagawa ng ganitong eksena."

Sambit ni Meredith sa isang nag-aalalang tono. Sinubukang magpaliwanag ni Madeline pero nakaalis na ang mama ni Jeremy habang puno ng dismaya sa kanya.

Napasinghal si Meredith. Sumunod siya rito at nanatili sa tabi niya. Tila ba masayang-masaya silang magkasama.

May mga tawa na namang naririnig si Madeline sa gilid, at may mga bulungan rin.

Si Mrs. Whitman ay isang pobreng babae na nadamay pa sa isang nakawan! Isang malaking biro.

Nakaramdam ng lungkot at kawalan ng pag-asa si Madeline sa ilalim ng mga mapagmatyag na mata ng lahat. Kaya, tumalikod na lamang siya at bumalik sa manor. Sa wakas, nakita niya na rin si Jeremy. Subalit, nang makita siya ni Jeremy na balot ng alikabok, at hindi maayos ang damit, kita ang inis sa mukha niya.

"Kaarawan ng mama ko ngayon. Hindi ka lang nahuli, ganito pa ang suot mo. Dagdag pa roon, sinubukan mo pang magnakaw mula sa iba. Pagod ka na ba sa buhay?"

Nambintang ito sa isang matigas na tono.

Ngumiti na lamang nang mapakla si Madeline. Napunta siya sa ospital dahil sa hindi magandang trato ni Jeremy sa kanya kagabi. Bukod pa roon, halos malaglag pa ang anak nila.

Bago pa man niya matanggap ang tungkol sa kanyang tumor, kailangan niya pang magmadali rito. Dagdag pa rito, sa pagkakataong pumasok siya sa pinto, nagkaroon pa ng insidente. Wala na siyang oras para magbihis pa.

Napatingin si Madeline sa mukha nito. "Jeremy, wala akong ninakaw na kahit ano. Si Meredith iyon..."

"Magnanakaw ka pala, ngayon sisisihin mo pa si Meredith dahil nakita niya ang bracelet sa bulsa mo. Madeline, hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?"

'Madeline, hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?'

Nakaramdam na naman ng sakit sa puso si Madeline. Pinanood niyang iwan siya ni Jeremy nang magpunta ito sa taas.

Ito ang kwarto ni Jeremy sa lumang manor, at ito rin ang unang beses niyang makapasok rito. May iilang mga mamahaling damit ang nasa closet at lahat ng mga ito ay international brands. Nang magbihis na si Madeline, pumasok si Meredith.

Tinignan niya ang mukha ni Madeline saka tumawa. "Madeline, hayop ka. Hindi ka pa rin mukhang reyna kahit magsuot ka ng korona."

Tumawa nang mahina si Madeline. "Pero sa totoo lang, ako naman talaga ang reyna at ikaw ay isang kabit lang."

"Ikaw..." Nagalit si Meredith. "Huwag kang masyadong matuwa sa sarili mo Madeline. Ididivorce ka rin ni Jeremy nang mas mabilis pa sa inaakala mo! Dagdag pa roon, gagawin ni Jeremy ang lahat para mawala ka at ang batang nasa sinapupunan mo!"

"Alam mo dapat kung sino ang may dala ng anak niya." Tinignan ni Madeline si Meredith nang may muhi. "Ikaw ang naglagay ng bracelet sa akin, hindi ba?"

"Hmph, ano naman kung ako? Sino naman ang maniniwala sa iyo?" Hindi na nagpanggap pa si Meredith. Tuwang-tuwa siya sa kanyang sarili. "Malapit na, ako na ang magiging Mrs. Whitman."

Matapos umalis ni Meredith, agad na naligo si Madeline at nagsuot ng isang Chanel na damit. Dagdag pa roon, naglagay rin siya ng kaunting makeup.

Matingkad ang mga mata niya nang tumingin siya sa salamin. Mukha siyang elegante at maayos. Ganoon pa man, kahit gaano pa siya kaganda, hindi siya susulyapan ni Jeremy.

Nang isipin niya ang kanyang kondisyon, hinawakan niyang muli ang kanyang tiyan at saka ngumiti.

Gaya nga ng sinabi ni Ava, ang pagmamahal niya kay Jeremy ay hindi na magtatagal dahil matatapos na ang kanyang buhay.

Nagbukas ang pinto sa pagkakataong ito, at agad siyang pinagmadali ni Jeremy. Tinago ni Madeline ang lahat ng kanyang pag-aalala at saka ngumiti nang malambing kay Jeremy.

May bakas ng gulat sa mga mata nito. Naglakad siya sa tabi ni Madeline at inabot niya ang kanyang kamay para hawakan ang beywang nito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.